Chapter 12 - Fights

186 7 0
                                    

Elora POV

"Daniel, ilang beses ko bang sasabihin sayo na tigilan mo na ako? Baka mamaya makita ka pa ni Seb at ano pang isipin no'n," inis na wika ko sa taong kaharap ko ngayon.

"Elora, I want you back! Alam kung ang gago ko para magloko ng mga panahon na tayo pa, pero pinagsisihan ko na ang bagay na 'yon. Ilang beses kung kinausap si Charline pero ayaw niyang sabihin sa akin kung nasaan ka. Huli na ng malaman ko ang nangyari sa pamilya mo,"

"Hindi na mangyayari ang bagay na 'yan, matagal na akong nakamove on at sana gano'n ka din. Masaya na ako sa buhay ko," saad ko.

"Ano bang meron sa lalaking 'yan? Mag iisang taon pa lang naman kayo diba? Elora, mas matagal ang naging relasyon natin, hindi ako naniniwala na mas mahal mo na siya ngayon kaysa sa akin!"

"And what do you expect? Na ikaw pa rin ang mahal ko matapos ng ginawa mo? Grow up, Daniel! Mahal ko ang boyfriend ko at wala ka ng magagawa sa bagay na 'yon kaya sana 'to na ang huling beses na lalapit ka sa akin," anas ko at tinalikuran na siya pero hindi pa ako nakakahakbang ng bigla niya ako hilahin at hinalikan, hindi agad ako nakareak dahil sa bilis ng pangyayari. Nagulat na lang ako ng mayamaya ay nakita kung nakahandusay na si Daniel sa sahig habang hawak hawak siya ni Seb sa kanyang kwelyo.

"How dare you kiss m girlfriend, asshole?" galit na sambit nito.

Mabilis naman akong lumapit kay Seb para awatin 'to ng makita kung susuntukin niya na naman 'to. "Seb, stop its please," pakiusap ko sa kanya.

"No, Elora!" sigaw nito sa akin.

"Seb, please. We are in public place," paalala ko sa kanya.

"Wala akong pakialam, Elora, gusto kung turuan ng leksyon ang lalaking 'to para malaman niya kung saan siya lulugar. Matagal na akong natitimpi sa gagong 'to," nakita ko ang nagbabagang galit sa mga mata niya kaya mas lalo ko siyang gustong pigilan.

"He's not worth it of time, Seb, makinig ka sa akin," gusto ko ng maiyak dahil pinagtitinginan na kami. Nakita kung ipinikit niya ang kanyang mga mata at tumayo.

"Sa susunod na makita ko pang lapitan mo ang girlfriend ko ay hindi ako magdadalawang isip na lumpuhin ka." seryosong banda nito kay Daniel.

"Iyan ba ng pinili mong lalaki, Elora? Hindi ko alam na 'yan ang ipapalit mo sa akin. Baka sa susunod ay ikaw na ang saktan niyan," biglang turan ni Daniel ng makatayo na 'to kaya mas hinigpitan ko ang paghawak ko sa braso ni Seb.

"At ano ang gusto mong palabasin? Na hindi mapapabuti sa akin si Elora? Niloko mo siya ng kayo para tapos ngayon na maayos na ang buhay niya saka ka manggugulo? Bakit iniwan ka na ba ng babae mo? Pity you," sabad naman ni Seb.

"Sa tingin mo ba hahayaan kung mapunta lang siya sayo? Gagawin ko ang lahat para lang bumalik siya sa akin,"

Ngumisi naman si Seb. "Do it if you can. Nagsasayang ka lang ng oras mo." sagot ni Seb.

"Stop it! Tumigil na kayong dalawa, nakakahiya at ang dami ng tao ang nakatingin sa atin. Daniel, huwag ka ng umasa na magpapakatanga pa ako sayo kaya sana tigilan mo na kami," pagkatapos kung sabihin 'yon ay hinila ko na si Seb paalis sa lugar na 'yon.

Habang nasa sasakyan kami at tahimik lang na nagdadrive si Sebastian, hindi ako nito iniimik at kahit na kausapin ko siya ay hindi niya ako sinasagot, alam kung galit siya ngayon. Hanggang sa nakarating kami sa condo ay hindi pa din 'to nagsasalita.

"Seb i---"

"Shut up!" pagputol nito sa sasabihin ko.

"Ayaw mo ba akong kausapin?" tanong ko sa kanya.

"At ano naman ang gusto mong pag usapan? Tungkol sa gago mong ex? Kung paano ka nasarapan sa halik niya at hindi ka man lang nakagalaw?"

Hinawakan ko naman ang kanyang kamay. "Calm down baby, hindi ko alam na nando'n siya. Sinabi ko naman sayo na may bibilhin lang ako, bigla na lang siyang sumulpot do'n. Paalis na ako kanina, nagulat lang ako ng bigla niya akong hilain at hinalikan, sa gulat ko hindi ko agad siya naitulak." paliwanag ko sa kanya.

"Dahil ginusto mo din!"

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Ginusto? How can you say that in front of me Seb? Sa tingin mo ba ganyan akong babae? Na magpapahalik sa lalaki na alam kung may boyfriend ako? Ayan ka na naman eh, iba na naman iniisip mo." naiiyak na turan ko.

"Anong gusto mong isipin ko sa nakita ko? He wants you back! At alam nating dalawa 'yon, kahit nga alam niyang magkarelasyon na tayo pero gumagawa pa rin siya ng paraan eh."

"Don't you trust me?" hindi mapaniwalang tanong ko dito.

"I trust you so much and you know that! Pero bakit hindi mo magawang iwasan ang lalaking 'yon? Pwede naman na umalis ka agad kapag nakita mo siya, hindi 'yong mananatili ka pa para kausapin siya. Ilang beses na bang nangyayari 'to, Elora, ilang beses na din nating pinag aawayan ang bagay na 'to. Hindi ko alam kung anong pag iwas ang ba ang ginagawa mo at madalas amg krus ang landas niyo. Tell me, do you still love him?"

"I can't believe you, Seb! Talagang itatanong mo sa akin ang bagay na 'yan? Alam mong ikaw ang mahal ko! At alam mo din ang ginawa sa akin ni Daniel tapos mag iisip ka ng ganyang bagay? I don't get you!" saad ko habang tumutulo ang luha sa aking mga mata.

"Minahal mo ba talaga ako Elora dahil mahal mo ako o baka naging panakip butas lang ako dahil broken ka ng mga panahong nagkakilala tayo, kasi kung talagang mahal mo ako ay hindi paulit ulit 'tong nangyayari sa atin, hindi ko kayo makikitang nag uusap."

Malakas na sinampal ko naman siya. "Alam kung galit ka sa akin, pero paano mo nasasabi 'yan? You're questioning my love for you, Seb! Kung hindi kita minahal ay hindi ko ibibigay ang pagkababae ko sayo!" walang tigil na ang luha ko, sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

Ngumisi naman 'to. "Kahit kailan ay hindi magiging sukatan ng pagmamahal ang sex, Elora. Maraming babae ang binibigay ang bagay na 'yan kahit kanino. You know what, if you still love him just tell me. If you want to go back to him then go! Pagod na ako, pagod na pagod na akong pagsabihan at pagbawalan ka." huling sinabi nito bago tuluyang umalis. Ilang beses ko pang tinawag ang kanyang pangalan pero hindi man lang 'to lumingon sa akin, umaasa akong babalik siya pero hindi niya ginawa.

Isla Haraya : Elora (Complete) - Published Under Immac PublishingWhere stories live. Discover now