Chapter 11 - New Home

183 8 0
                                    

Elora POV

Nang matapos kung kausapin ang mga kapatid ko ay pinagpahinga ko na sila, sinabi ko na din kay Stella na do'n muna siya pansamantala manirahan sa tiyuhin namin para naman kahit paano ay may kasama siya, wala naman anak 'yong mag asawa kaya natutuwa sila ng sabihin ko ang desisyon ko. Ang totoo nga niyan ay gusto nila na do'n na lang kaming tatlo sa kanila na agad ko naman tinanggihan. Hindi naman kasi pwede dahil mapapalayo ako sa trabaho ko at ayaw niya din naman ni Kier na lumipat.

Sa aking pag iisip ay biglang pumasok sa isipan ko si Seb, bakit ko pa kasi nakalimutan ang isang 'yon. Agad kung kinuha ang phone ko at tinawagan siya.

"Elora!" nailayo ko pa ang phone sa aking tainga dahil sa lakas ng boses nito.

"Mukhang na miss mo yata ako ah," pagbibiro ko dito kahit alam kung galit ito.

"May gana ka pang gumanyan sa akin matapos mong umalis ng hindi man lang nagpapalam? Ilang beses akong tumawag sayo pero hindi mo sinasagot! Sa tingin mo nakakatuwa 'yon, Elora" bakas sa boses nito ang galit.

Napanguso naman ako kahit na alam kung hindi niya naman ako nakikita. "I'm sorry, nagkaroon kasi ng emergency sa bahay kaya kailangan kung uuwi. Masyado lang maraming nangyayari kaya hindi ako makapagfocus at nawala din sa isipan kung tawagan ka. Ngayon lang din talaga ako nagkaroon ng oras na humawak ng phone ko, alam kung galit ka."  paliwanag ko.

"What happeded? Are you okay?" napangiti ako dahil ramdam ko ang pag aalala sa kanyang boses.

"Inatake kasi sa puso ang tatay ko, dinala siya sa hospital pero hindi niya na kinaya. Tapos  buntis ang kapatid kung babae at tinakasan ng ama nito at 'yong nanay ko naman ay binenta ang bahay namin," pagkwento ko sa kanya.

"What? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin 'yan? Kumusta ka naman? Okay ka lang ba? Nakakapagpahinga ka pa ba ng maayos?" sunod sunod na tanong nito.

"Magsisinungaling ako kung sasabihin kung ayos lang ako kahit ang totoo naman ay hindi. Medyo stress lang talaga ako lalo na't nagpatong patong ang problema ko sa pamilya ko," saad ko.

"Where are you now? Saan kayo nakatira kung wala na kayong bahay?"

"Nandito pa kami sa bahay namin, nakausap ko naman na ang nakabili nito at binigyan nila kami ng palugit hanggang sa makakita kami ng malilipatan," wika ko.

"If you want I'll buy that house again, para naman hindi na kayo umalis."

"No! Ano ka ba naman Seb, hindi mo kailangan gawin ang bagay na 'yan." pagpigil ko sa kanya, hindi niya naman kasi obligasyon ang bagay na 'yon at ayaw ko naman itake advantage 'to. " At isa pa mas mabuti na din siguro na lumipat kami kaysa manatili kami dito," dagdag ko pa.

"Nakahanap na ba kayo ng malilipatan? Kung gusto mo do'n na muna kayo ng kapatid mo sa condo ko, minsan ko lang naman ginagamit 'yon." suhestyon nito.

"Seb, ano kasi a ---"

"Stop it, Elora. I want to help you, alam kung nahihirapan ka. Kung ayaw mo ng libre sige pagbibigyan kita, kahit bayaran mo na lang ang ibang mga bayarin do'n ay ayos na. Hindi ka ba iba sa akin. I already confesses how I feel for you and I'm serious with it, hayaan mo ng tulungan kita,"

Hindi ko maiwasan ang hindi kiligin habang nakangiti. Hindi ko alam kung ano ang magandang nagawa ko sa nakaraan at binigyan ako ng ganitong lalaki. I'm so lucky and blessed! Nag usap lang kami ng isa pang oras bago ako nagpaalam, masyado na din kasing gabi at dinadalaw na ako ng antok.

Kinabukasan ng magising ako ay nasa bahay na ang tiyuhin ko para sunduin si Stella, mahirap man sa akin ang desisyon na ginawa ko pero 'yon ang alam kung makakabuti sa sapatid ko. Ayaw ko naman na maiwan siyang mag isa.

Isla Haraya : Elora (Complete) - Published Under Immac PublishingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon