Chapter 14 - Back In Each Arms Again

192 9 0
                                    

Elora POV

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko, hindi naman marami akong nainom ko kaya hindi ko maintindihan kung bakit tinamaan ako ng alak. Babangon na sana ako ng bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Seb.

"Kainin mo muna 'to at pagkatapos ay inumin mo 'yang gamot para mawala ang hang over mo," malamig ang boses nito.

"Seb, tungkol kagabi ka ---"

"Stop, kumain ka na muna. Mamaya na tayo mag usap." pagputol nito sa sasabihin ko.

"H-hindi ka umuwi?" tanong ko sa kanya ng matapos akong kumain, akala ko kasi ng maihatid niya ako ay umuwi na 'to, hindi ko na din kasi alam ang nangyari ang huling tanda ko ay nakatulog na ako sa biyahe.

"Malinaw mo naman ako nakikita diba? So bakit nagtatanong ka pa? Kung umuwi ako sana wala ako dito sa harapan mo ngayon," sagot nito sa akin.

Tinitigan ko naman siya ng masama. "Umayos ka, Sebastian Mikael! Ang aga agad nandidilim na agad paningin ko sayo,"

"At ang aga aga mainit na agad ulo mo, ganyan ba kapag hindi ka nadiligan ng ilang araw?" nakangising turan nito.

Nanlaki naman ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi niya kaya binato ko siya ng unan. "Ikaw na lalaki ka, ang bastos mo! Lintik ka!"

"Anong bastos sa sinabi ko? Nagtatanong lang naman ako sayo, ang bastos nakahubad pero ako may damit pa, unless kung gusto mong maghubad tayo pareho,"

"Fuck you!" sigaw ko sa kanya at ang gago tumawa lang.

"Ang aga pa,"

"Bwisit ka! Diyan ka na nga at maliligo na ako." saad ko.

"You want me to accompany you?" he kept teasing me using his seductive voice.

Oh tukso layuan mo muna ako, hindi pa kami okay.

"Oh shut up Sebastian! Nakakarindi 'yang boses mo!" naiiritang wika ko.

"Talaga lang ha? Naririndi ka sa boses ko? Para namang hindi mo nagugustuhan kapag nagsasalita ako whenever I fucked you," walang prenong saad nito.

"Tama bang sabihin mo 'yan sa harap ko? Gago ka!" at pinaghahampas ko siya.

"Why? Ikaw naman nauna ha, dapat nga sa boses mo ako marindi dahil ang ingay ingay mo sa tuwing u----"

"Hep hep! Stop!" mabilis kung tinakpan ang bibig niya, pero agad niya din naman tinanggal 'yon.

"Nahihiya ka ba o kinikilig?" pang aalaska pa niya lalo.

"May kikiligin ba kung ikaw ang ka sex? Dinaig mo pa ang isang lion kung manlapa eh. Ako na ang naaawa sa kama dahil sa sobrang kalandian mo," bulalas ko.

"Don't worry about the bed, sigurado akong matibay ang pagkakagawa niyan," bulong nito sa  tainga ko dahilan para manindig ang mga balahibo ko.

"Talagang kailangan mo ng matibay na kama para sa mga babae mo! " tinulak ko siya palayo.

"Selos ka na naman? Ilang beses ko na ba sinabi sayo na ikaw na lang babae ko, wala na akong plano maghanap ng iba," natatawang sambit nito.

"Kwento mo sa pagong! Akala mo naman hindi ko alam ang pinaggagawa mo sa isla, ilang babae nga ulit 'yon?" nakapameywang pa ako.

Napakamot naman siya sa kanyang ulo at hilaw na ngumiti, pagkunway ay niyakap ako. "Sinabi ko na sayo ang dahilan no'n. I'm not really sure that time if I really likes you, kaya sinubukan kung ibaling ang atensyon ko sa ibang babae pero wala eh. Ang lakas talaga ng tama ko sayo,"

"Bitaw na nga! Tama na 'tong landian na 'to, umagang umaga eh, sige na maliligo na ako at para makapagluto na ako ng pagkain," saad ko at saka tinanggal ang mga kamay niya na nakayapos sa akin.

"Bakit ka pa magluluto? Okay lang naman sa akin kahit ihain mo ang sarili mo," mabilis ko namang tinampal ng mahina ang bibig nito.

"Puro ka kalokohan, sa tingin mo makakain mo ako ng buo at mauubos mo?" anas ko  at saka tuluyang ng naglakad papasok sa banyo.

Nang matapos akong maligo ay naabutan ko siyang nakahiga sa kama habang pikit ang kanyang mga mata.

"Tapos ka na?" nagulat pa ako ng bigla 'tong magsalita.

"Akala ko tulog ka, inaantok ka pa ba? Matulog ka kaya muna ulit," suhestyon ko, hindi ko naman kasi alam kung maaga siya nagising dahil ipinagluto niya ako.

"We need to talk about what happened last night," hindi ko maiwasan ang hindi mapalunok dahil sa sinabi niya, akala ko pa naman ay nakalimutan niya na ang bagay na 'yon.

"Are you going to scold me?" tanong ko.

Hinila naman ako nito paupo sa tabi niya. "It depends to you explanation. So, what are you doing in that place? At bakit gano'n ka revealing ang suot mo?"

"Nalulungkot lang naman kasi ako, kaya naisipan kung magpunta do'n. Ang plano ko sana ay tawagan ka para sunduin mo ako, para makausap naman kita."

"And you think that's valid reason, Elora? Paano kung napahamak ka? Hindi mo ba napapansin ang malalagkit na tingin sayo ng mga lalaking nando'n? Paano kung wala ako do'n, sigurado ka bang masasagot ko agad ang tawag mo? Don't you think is dangerous for yourself to be alone in that place? Iniisip mo ba 'yan o hindi?" gusto ko ng maiyak dahil ramdam ko ang galit niya.

"I-im sorry, I... I know I'm stupid sometimes not thinking what will be the consequences of my actions, gusto lang naman kasi kita makausap." mahinang turan ko.

"You're not stupid! Stop saying that! Hindi ako natutuwa sa ginawa mo, hindi 'yan ang paraan para makausap ako,"

Napayuko naman ako at hindi na nagsalita pa, hindi ko naman kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Himbis na magkaayos kami ay mas lalo lang siyang nagagalit sa akin. 

"Elora," pagtawag niya sa pangalan ko pero iniiwas ko pa rin ang tingin ko.

"Look, baby, huwag mong isipin na galit ako sayo, sa ginawa mo ako nagagalit. You know how much I love you, right? Nag alala lang ako ng makita kita nando'n, hindi ka man lang nagsabi sa akin. Kapag may nangyaring masama sayo ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko lalo na kung ako ang dahilan," paliwanag nito sa akin.

"I-im sorry. . ."

"Don't do that again, please," mahinahon na ang boses nito ngayon.

"Hindi na mauulit," sagot ko.

"At tungkol naman kagabi a---"

"No, Seb, it's okay. Huwag mo na lang intindihin ang bagay na 'yon. Nakainom lang ako kagabi," pagpigil ko sa kanya.

"It's not okay at all, Elora. Alam kung may mali din akong nagawa, hindi ko man lang naisip na nasasaktan na pala kita. Gusto ko lang naman matuto ka at para na din makapag isip ka. I don't want to pressure you in anything,"

"H-hindi naman kasi totoo na ginagawa lang kitang panakip butas, hindi ko alam kung bakit mo iniisip ang bagay na 'yan. G-ginagawa ko naman ang lahat para iparamdam sayo na mahal kita pero mukhang kulang pa, kasi kung hindi sana hindi mo nasasabi 'yon," tumingin ako sa taas para pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

"Kinain lang ako ng selos kaya nasabi ko ang bagay na 'yon. Natatakot lang ako na mawala ka sa akin, na baka ma realize mo na mahal mo pa siya kaysa sa akin. Ilang taon din ang naging relasyon niyo samantalang tayo isang taon pa lang,"

"Ikaw ang mahal ko, Seb. Hindi ako ang babae na kayang gumamit ng ibang tao para sa sariling interest lang. Nang araw na sinagot kita ay sigurado na akong sa nararamdaman ko. Wala kang dapat katakutan dahil hindi naman ako mawawala sayo. Parte na lang ng nakaraan ko si Daniel at hanggang do'n na lang 'yon. Ikaw ang dahilan kung bakit ako masaya ngayon at ikaw ang bumuo ulit sa puso ko," paliwanag ko.

"I love you, Elora."

"Mahal na mahal kita, Sebastian." sagot ko sa kanya at hinalikan siya sa labi.



Isla Haraya : Elora (Complete) - Published Under Immac PublishingWhere stories live. Discover now