Chapter 15 - Scarlet Is Back

170 6 1
                                    

Scarlet POV

Ilang araw na ang lumipas simula ng makabalik ako dito sa Pilipinas at ang una kung naisip na puntahan ay ang lalaking mahal ko na si Sebastian, matagal na din ng huli kaming nagkita at hindi na din 'to sumasagot sa mga tawag ko kaya wala akong naging balita dito sa mga nakaraang taon na umalis ako. Pero kahit anong pilit kung makausap 'to ay hindi ko magawa dahil madalas ko siyang makitang may kasamang babae.

Sa sobrang stress ko sa pag iisip ay niyaya ko ang kaibigan ko na magpunta ng mall pero sa kasamaang palad ay nahagip ng mga mata ko si Seb kasama na naman ang babae kaya nasira agad ang araw ko.

"Kung nakakamatay lang 'yang tingin mo ay kanina pa nakahandusay ang babaeng kasama ni Seb," napatingin ako sa kaibigan ko ng magsalita 'to.

"Sino ba kasi 'yang babae na 'yan? Nawala lang ako ng ilang taon tapos may iba ng lumandi kay Seb?" inis na wika ko.

"Hindi ko alam, baka naman girlfriend niya. Matagal ko din hindi nakita 'yang si Seb eh at ngayon na lang ulit,"

"What? Anong girlfriend ang sinasabi mo?" anas ko.

"Girl, lalaki 'yan at natural na magkaroon ng babae. At isa pa bakit ka galit na galit? Hindi ba at wala naman kayong label ni Sebastian dati pa?"

Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa sinabi nito. "Alam mo hindi nakakatuwa 'yang sinasabi mo. Sa tingin mo ba papayag ako na magkaroon siya ng ibang babae? Nawala lang ako pero ngayon na bumalik na ako ay babawiin ko ang pagmamay ari na dapat sa akin," matigas na wika ko.

"I'm stating the fact Scarlet, hindi ka naman kasi gusto o mahal ni Seb, alam natin pareho kung ano lang ang meron sa inyong dalawa dati. Kasi kung may nararamdaman siya sayo dapat noon pa lang ay niligawan ka na niya o kaya naging kayo na pero hindi eh. At saka hindi ba at ikaw na ang nagsabi sa akin na madalas mong makita na magkasama 'yang dalawa na 'yan? Ano pa nga ba ang iisipin mo edi syempre may relasyon sila,"

Marahas ang naging paghinga ko. "I will ruin them, hindi ako makapapayag na mawala sa akin si Seb, 'yang babaeng kasama niya baka naman isa lang din 'yan sa mga ka flings niya. Kilala ko siya hindi siya nagseseryoso sa babae at alam kung magsasawa din siya sa kasama niya," seryosong turan ko.

"Ako ang kinakabahan para sayo Scar, pwede naman kasi na mag move on ka na lang. Ang dami naman lalaki sa mundo at hindi lang si Seb. Huwag mong masamain ang sinasabi ko ha? Kaibigan kita kaya concern ako sayo, baka naman kasi ipipilit mo lang ang sarili mo at sa huli ay ikaw din ang masaktan,"

"Alam ko ang ginagawa ko. Sebastian is a womanizer and I'm sure he can resist me, matagal ang pinagsamahan naming dalawa at alam kung hindi niya 'yon ipagpapalit, lalo na kapag nalaman niyang nakabalik na ako," pursigudong wika ko.

Napailing na lang ang kaibigan ko, alam kung hindi siya sang ayon sa mga sinabi ko, pero wala naman siyang magagawa. Kilala niya ako hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko.

"Ikaw ang bahala kung 'yan ang desisyon mo, hindi ako nagkulang ng pagpapaalala sayo. Matagal nga ang naging samahan niyo pero baka nakakalimutan mong sa kama lang 'yon, wala kayong naging relasyon ni Seb kahit noon pa man. Kasi kahit nga fubu kayong dalawa ay may iba pa ring siyang babae na kinakalantari at kinakama noon,"

Hindi na ako nagsalita pa at niyaya na lang siyang mag ikot, hindi ko na lang pinansin ang dalawang nakita ko dahil ayaw ko naman na tuluyan ng masira ang mood ko dahil sa kanila. I still have plans.

Matapos naming mamili ay nagyaya na akong umuwi dahil napagod din ako, nang makarating na ako sa condo ko ay agad kung hinanap ang numero ni Seb, sana naman ngayon ay sagutin niya na ang tawag ko, kailangan ko siyang makausap.

Isla Haraya : Elora (Complete) - Published Under Immac PublishingWhere stories live. Discover now