Chapter 21 - Danger

166 4 0
                                    

Scarlet POV

Nasa loob ako ng aking sasakyan para gawin ang isa ko pang plano, hindi ako papayag na matalo ng babaeng 'yon. Gagawin ko ang lahat para lang mawala siya sa landas ko, wala na akong pakialam kung mali man ang bagay na 'to, basta makuha ko lang ang lalaking mahal ko. She don't deserve Sebastian at all. He's mine!

Mayamaya pa ay tumungo ang phone ko at nakita ko ang kaibigan ko na tumatawag. "Anong kailangan mo?" bungad ko sa kanya ng masagot ko 'to.

"Nasaan ka?" 

"Nasa kotse ko. Saan pa ba? Bakit, anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya.

"Don't tell me na gagawin mo talaga 'yang binabalak mo?"

"Sa tingin mo ba ngayon pa ako hihinto? Ito na lang ang magagawa ko para tuluyan na siyang mawala, kung tumawag ka para lang pigilan ako ay nag aaksaya ka lang ng oras mo," saad ko.

"Ano ba kasing gagawin mo? Nasaan ka?"

"Hindi mo na kailangan pang malaman kung ano ang plano ko," seryosong turan ko.

"Nababaliw ka na, Scarlet!"

"Baliw na kung baliw! Wala akong pakialam." sigaw ko. Hindi ko kasi sinabi sa kanya kung anong gagawin ko dahil baka magsumbong pa siya. Alam kung kaibigan ko siya pero sa mga oras na 'to ay ayaw ko munang magtiwala.

"Hindi mo ba naisip na pwede kang mapahamak sa kung ano man na plano mong gawin?"

"Sa tingin mo ba hindi ko pinag isipan ng mabuti 'to? Boba! Kung wala ka ng sasabihin ay ibababa ko na 'to. Kung ako sayo ay manahimik ka na lang," wika ko.

"Mahalaga ka sa akin dahil kaibigan kita, pero sa nakikita ko sayo ngayon hindi na kita kilala, Scarlet. Pagod na akong magpaalala sayo kaya bahala ka na sa desisyon mo sa buhay. Sana lang ay maging masaya ka," pagkatapos niyang sabihin 'yon ay binabaan niya na ako ng tawag. Hindi ko alam kung bakit panay pigil niya sa akin, nasasabi niya lang kasi 'yon dahil hindi siya ang nasa lugar ko. Nagmahal lang naman ako at hindi ako papayag na matalo lang na hindi lumalaban. Unang naging akin si Sebastian kaya babawiin ko siya, kung wala lang naman sana ang Elora na 'yan ay sigurado akong magiging maayos naman sana kami ni Seb, kaso paano mangyayari 'yon kung may sagabal kaya mas mabuting tanggalin siya.

Nandito lang ako sa parking lot ng hospital, alam ko kasing nandito ngayon ang sadya ko, sa kasamaang palad ay kasama niya si Skyler pero wala akong pakialam dahil itutuloy ko pa rin ang plano ko sa babaeng 'yon. 

Mayamaya pa ay nakita ko silang  palabas, naghintay lang ako ng tamang tiyempo. Sakto naman napansin ko na huminto si Sky at tumingin sa kanyang phone, mukhang may tumawag dito. Nakita kung palapit na si Elora sa pwesto kung nasaan ako kaya wala na akong sinayang na oras at pinaandar ang kotse at nagdrive papunta sa kanyang gawi, nakita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata sa gulat hanggang sa tuluyan ko siyang mabundol at tumilapon. Hindi ko na tiningnan ang nangyari sa kanya at mabilis akong umalis sa lugar ng may ngiti sa labi.

*****

Skyler POV

Pinauna ko na si Elora sa sasakyan dahil tumatawag si Sebastian, habang nakikipag usap ako sa kanya ay napadpad ang tingin ko sa isang sasakyan na mabilis ang pagpapatakbo hanggang sa napansin kung papunta 'to sa direksyon ni Elora. Shit!

"Elora!" malakas na sigaw ko at tumakbo papunta sa kanya pero huli na ang lahat dahil nabangga na siya nito. Napatingin ako sa kotse pero nakalayo na 'to. Nakita ko si Elora na nakahandusay sa sahig at hawak hawak ang kanyang tiyan. Dali dali ko siyang binuhat pabalik sa hospital.

Naging maagap naman ang doctor at mabilis na inasikaso si Elora, napuno ng takot at kaba ang buong sistema ko sa kung anong pwedeng mangyari sa kanila ng anak niya. 

"Pleaee, gawin niyo ang lahat para mailigtas silang mag ina," pakiusap ko sa doctor.

"Huwag kayong mag alala, Sir, gagawin namin lahat sa abot ng aming makakaya," ani nito at saka tuluyan ng pumasok sa loob ng ER.

Kinalma ko muna ang sarili ko ng ilang minuto hanggang sa tinawagan ko si Sebastian. "Yes, Sky? Pauwi na ba kayo?" saad nito ng sagutin niya ang tawag ko.

"Seb. . . S-si Elora," mahinang sambit ko.

"What? May nangyari ba?" bakas sa boses nito ang pag aalala.

"Nandito kami ngayon sa hospital, nasa emergency room si Elora," direstong sagot ko sa kanya. Mabilis na naputol ang linya at alam kung papunta na dito ngayon si Sebastian.

Nanghihinang napaupo ako sa upuan na malapit kung nasaan dinala si Elora, yumuko ako habang nagdadasal na sana ay walang mangyaring masama sa kanilang dalawa. 

Halos trenta minutos na akong naghihintay pero wala pa ring lumalabas na doctor kaya mas lalo lang nadadagdagan ang kaba na namumutawi sa akin. Hanggang sa narinig ko ang boses ng kaibigan ko.

"What happened, Sky? Nasaan ang gilrfriend ko?" tanong nito agad sa akin ng makalapit siya.

"Pauwi na kami kanina Seb ng tumawag ka kaya sinagot ko, nauna si Elora sa sasakyan tapos may biglang dumating na sasakyan at sinagasaan siya." kwento ko sa kanya.

"Putangina naman!" galiw na sigaw ni Seb at sinuntol ang pader. 

Hinawakan ko naman ang kanyang balikat. "Kumalma ka lang Seb, naniniwala akong magiging okay din sila Elora," mahinahon na turan ko.

"Nakita mo ba kung sino ang may gawa? Iyong plate number?" tanong nito sa akin.

Umiling naman ako. "Tinted ang sasakyan kaya hindi ko alam kung sino ang nagmamaneho at walang plate number na nakalagay," sagot ko.

"Did you check the cctv in parking lot?"

"Hindi pa, hindi ko kasi maiwan si Elora. Pero tinawagan ko na din ang kakilala kung imbestigador at sinabi ang nangyari at papunta na siya dito ngayon para humingi ng cctv sa parking lot," saad ko.

Halos isang oras din kaming naghintay hanggang sa bumukas ang ER at lumabas ang isang doctor, hindi ko alam pero kinakabahan ako. Agad na tumayo si Seb at sinalubong 'to kaya sumunod din ako.

"Doc. hows my girlfriend? My baby?" rinig kung tanong nito.

"She's already safe, Sir, may mga gasgas lang siyang natamo at maraming nawala sa kanyang dugo kaya kailangan siya namin salinan," sagot nito.

"Iyong baby namin?" pag ulit ng kaibigan ko.

Nakita ko naman ang mariin ng pagbuntong hininga nito. "Malakas ang naging epekto ng pagkakabundol sa kanya dahilan para mawala ang bata. I'm sorry Sir, but the baby is gone. My deepest condolence to you and your family."

"You're joking right? H-hindi totoo 'yan,"halos mabuwal si Seb sa kanyang kinatatayuan ng marinig ang hindi magandang balita. "H-hindi kami iiwan ng anak namin, hindi. . . sabihin mo ang totoo! Buhay pa ang anak ko diba?" ilang beses pa nito inalog ang balikat ng doctor.

Agad naman akong lumapit sa kanya. "Pre, tama na 'yan," pigil ko.

"Sky, n-narinig mo ba ang sinabi niya? W-wala na daw ang anak namin ni Elora, p-paano ko sasabihin sa kanya 'to?" Kitang kita ko ang sakit sa mga mata ng matalik kung kaibigan kasabay ng pagtulo ng masagang luha.

Isla Haraya : Elora (Complete) - Published Under Immac PublishingWhere stories live. Discover now