Chapter 7 - Confession

212 8 0
                                    

Elora POV

Kanina pa ako aligaga simula ng magising ako dahil may lakad kami ni Sebastian, halos halughugin ko na ang laman ng maleta ko para lang maghanap ng susuotin.

"Alam mo, Elora, para kang tanga. Kanina pa sumasakit ang ulo ko sayo," napatingin ako sa pinto ng marinig ko ang boses ng kaibigan kung Charline.

"Hindi ko din maintindihan ang sarili ko Cha, kinakabahan kasi ako kahit na lagi ko naman nakakasama ang lalaking 'yon." saad ko at naupo sa kama.

Naglakad naman siya palapit sa akin. "Tapatin mo nga akong bruha ka, may gusto ka na ba kay Sebastian?" tanong nito.

Bigla naman ako natahimik, maski ako ay hindi ko alam kung paano sasagutin ang kanyang tanong. Alam ko naman sa sarili ko na habang lumilipas ang mga araw na nakakasama ko si Seb ay nakakaramdam ako ng kakaiba sa aking puso, hindi ko maipaliwanag ng maayos pero no'ng una ko pa lang nakita ang lalaking 'yon ay humanga na ako sa kanya pero syempre hindi ko aamin 'yon dahil ayaw kung masira ang pagkakaibigan namin.

"Oh gaga, hindi ka makasagot 'no? Ano ba ang nararamdaman mo? Maliban sa crush mo siya? Huwag ka mag deny kasi alam kung crush mo 'yon base na din sa mga kwento mo sa akin ng wala pa ako dito sa isla." tanong nito nito sa akin, marahil ay napansin niyang natameme ako.

"Ang totoo niyan ay hindi ko din alam Charline, masaya ako kapag kasama ko si Seb, ni hindi ko na nga naiisip si Daniel at 'yong sakit ng ginawa niyang panloloko sa akin. Parang sobrang komportable ko sa kanya kahit na minsan may pagkasuplado, seryoso at misteryoso siya," sagot ko.

"Sa madaling salita ay in love ka na sa kanya! Ang dami mo pang sinasabi diyan, akala ko ba ay pumunta ka dito para makalimot pero mukhang new lovelife ang natagpuan mo dito sa isla."

"Alam mo manahimik ka na lang kung wala ka naman matinong sasabihin, hindi ka nakakatulong!" singhal ko sa kanya at saka muli na naman tumayo para maghalungkat ng kanyang gamit.

Tumawa naman 'to. "Ngayon alam ko na kung bakit hindi ka mapakali simula pa kagabi ng yayain ka niya ng dinner. Ang landi mo best! Pero alam mo, kahit ano naman ang susuotin mo ay bagay sayo dahil maganda ka, be yourself. Hindi mo kailangan baguhin ang sarili mo,"

"Totoo ba? Hindi kaya ma turn off si Seb? Hoy! Kung kalandian lang din naman ang pag uusapan ay mas lamang ka sa akin, kita mo naman nagkaanak ka," pang aasar ko sa kanya.

"Virgin ka pa kasi, pero ako na nagsasabi sayo na kapag natikman mo na ang bagay na 'yon ay hahanap hanapin mo lalo na kung magaling ang lalaki,"

Hinampas ko naman 'siya ng mahina "Itikom mo nga 'yang bunganga mo! Kahit kailan talaga puro ka kahalayan," suway ko.

"Anong plano mo? Aamin ka sa kanya?"

"Siraulo ka ba? Hindi ko naman gagawin ang bagay na 'yan. Ayaw ko naman masira ang kung anong meron kami ngayon dahil lang dito sa nararamdaman ko," malungkot na sagot ko.

Bumuntong hininga naman 'to. "Malay mo naman pareho lang kayong may nararamdaman sa isa't isa. Aba best, hindi na uso ngayon na lalaki lang ang umaamin, minsan tayong mga babae kailangan din igalaw ang baso,"

"Ewan ko sayo, basta ako masaya na kung anong meron sa amin. At isa pa paano kung wala naman pala siyang feelings sa akin edi na hopya ako. Ang dami pa naman mga babae ang umaaligid sa kanya." mahinang sambit ko.

Pinanliitan niya naman ako ng kanyang mga mata. "Bakit? Ikaw ba siya? At saka ano naman kung maraming nagkakagusto sa kanya? Wala naman na tayong magagawa sa bagay na 'yan dahil may ipagmamalaki din naman si Seb. Palagi kang magtiwala sa sarili mo dahil maganda, sexy, matalino at mabait ka. Grab the blessings girl, parang pagkain lang kapag hinain na sayo ay sunggaban mo na bago pa makuha ng iba. Paano mo malalaman ang sagot kung takot kang sumubok? Galaw galaw din at baka ma stroke ka kakaisip kung pareho kayo ng nararamdaman o hindi,"

Isla Haraya : Elora (Complete) - Published Under Immac PublishingWhere stories live. Discover now