Chapter 17 - New Blessings

162 6 0
                                    

Elora POV

Kanina pa ako nakasalampak sa sahig habang kumakain, pakiramdam ko ay hindi man lang ako nabubusog kahit ang dami ko naman ng kinain.

"Sigurado ka bang okay ka pa ate? Wala ka naman sakit?" tanong sa akin ng kapatid ko.

"At bakit mo naman natanong 'yan?" balik tanong ko sa kanya.

"Ilang linggo ko na kasing napapansin na napapalakas yata ang pagkain mo, minsan nga ay nagpapabili ka pa sa akin eh. Sige ka baka tumaba ka na at iwan ka ni Kuya Seb kasi hindi ka na sexy,"

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Kung wala kang matinong sasabihin ay magtigil ka pwede? Baka gusto mong mapalayas dito ng wala sa oras."

Nariinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. "Easy ka lang, ang init na agad ng ulo mo. Konti na lang talaga iisipin ko na buntis ka eh,"

Napatigil naman ako sa pag nguyo ng sabihin niya ang bagay na 'yon. Hindi kaya?

Dali dali akong tumayo at tumakbo sa loob ng kwarto, kinuha ko ang phone ko at tumingin sa kalendaryo at halos buhusan ako ng malamig na tubig ng makita kung delayed na ako ng ilang linggo. Bakit hindi ko man lang naisip ang bagay na 'yon?

Agad kung kinuha ang maliit kung bag, mabuti na lang at nakaligo na ako kaya makakaalis na ako agad. Kailangan kung makasigurado at wala naman akong pt dito kaya pupunta na lang ako sa doctor para magpacheck-up.

"Where are you going?"

"May kailangan lang akong puntahan," sagot ko kay Kier.

Pinanliitan niya naman ako ng kanyang mga mata. "Kanina tamad na tamad ka gumalaw tapos ngayon aalis ka? Nagpaalam ka na ba sa fiance mo? Baka mamaya hanapin ka na naman no'n,"

"Tatawagan ko siya, okay na? Ang dami mong sinasabi, aalis na ako." saad ko at hindi na hinintay ang sasabihin niya. Minsan talaga dinaig pa ng kapatid niya ang isang tatay kung umasta.

Paglabas ko ng building ay naghihintay na sa akin ang grab kaya sumakay na ako agad, habang nasa biyahe ako ay hindi maalis sa isip ko ang posibleng mangyari. Kung totoo man na may laman na ang aking tiyan, magiging masaya kaya si Seb? Hindi pa namin napag usapan ang tungkol sa bagay na 'to kaya hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya.

Nang makarating na ako sa hospital ay agad akong nagbayad at bumaba, may kakilala din naman akong doctor dito kaya sa kanya na lang ako nagpaschedule, mabuti na lang at wala siyang pasyente ng tinawagan ko siya.

Pagpasok ko sa loob ay ang magandang ngiti niya naman ang bumungad sa akin. "Long time no see, Elora,"

"Oo nga eh, ilang taon na din ang lumipas. Masyado ka na kasing busy," wika ko at saka umupo na.

"What you have said earlier when you called, is you want to be sure kung buntis ka ba diba? Hindi ka ba nag take ng pt?"

Umiling naman ako. "Nagbibiruan lang kasi kami ng kapatid ko hanggang sa mabanggit niya ang tungkol sa pagbubuntis, bigla kung naalala na hindi pa pala ako nagkakaroon ng dalawa ilang linggo na. Regular kasi ako kaya nasa isip ko na may posibilidad na buntis ako," anas ko.

Tumango tango naman siya. "May mga nararamdaman ka ba nitong nakaraang linggo?"

"Napaparami ako ng kain, tapos mabilis uminit ang ulo ko," sagot ko naman sa kanya.

"Kapag umaga may nararamdaman ka?"

"Madalas akong nahihilo, minsan naman ay nasusuka ako pero hindi naman palagi kaya hindi ko din talaga binigyan ng pansin. Akala ko ay kulang lang ako sa pahinga," paliwanag ko sa kanya.

"Let's have a test," saad nito at iginaya ako sa isa pang kwarto na nasa opisina niya din, pagpasok namin ay agad niyang inayos ang kanyang mga gagamitin.

Isla Haraya : Elora (Complete) - Published Under Immac PublishingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon