Chapter 9 - Bad news

216 10 0
                                    

Elora POV

Nagising ako na sobrang sakit ng buong katawan, bigla kung naalala ang nangyari sa amin ni Sebastian kaya dali dali akong napatingin sa paligid at napagtanto kung nasa kwarto na ako. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa aking alaala ang lahat. Halos hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ako nitong inangkin, hindi ko tuloy alam kung paano ko siya haharapin dahil sa nangyari.

Napatingin ako sa orasan at nakita kung tangahali na kaya bumangon na ako at dumiretso sa banyo para makapag ayos, kahit masakit ang gitnang hita ko ay tinitiis ko. Sigurado akong nakauwi na ang kaibigan ko, ang tanging hiling ko lang na sana ay hindi nito naabutan si Seb dahil panigurado akong katakot takot na tanong ang ibubungad sa akin ng babaeng 'yon.

Nang matapos akong mag ayos ay agad na lumabas ako sa kwarto at naabutan ko ang mag ina na nanonood ng palabas sa tv. "Anong oras kayo dumating?" tanong ko kay Charline.

"Kaninang mga alas syete siguro ng umaga," tumango lang ako sa sagot nito at naglakad papunta sa kusina para kumuha ng pagkain, sigurado akong nagluto na 'to. May nakahanda ng  bacon, hotdog, fried rice at tinapay sa mesa, bigla naman akong namula ng may maalala.

"Oh anong nangyayari sayo? Tititigan mo lang ba 'yang pagkain? Mukha kang tanga." napapitlag ako ng marinig ang boses ni Charline na  likuran ko kaya mabilis akong umiling at umupo.

"Kumusta naman ang date niyo?"

Napangiti naman ako ng maalala ang nangyari. Until now I still can't believe that he confessed  to me, buong akala ko ay one sided love lang ang meron sa amin. Malinaw pa din sa isipan ko ang mga katagang binitawan nito.

"Aray! Bakit ka ba nambabatok?" inis na bulalas ko ng biglang hilahin ni Charline ang buhok ko.

"Ay girl, tinatanong kita pero mukhang wala ka pa sa sarili mo yata? Siguro ka bang okay ka lang? Mukhang nanaginip ka pa eh. Gusto mo bang tawagan ko si Seb para umayos ka?" nakapameymang na sambit nito kaya napasimangot ako.

"Sebastian confessed," diretsang wika ko.

Pinanliitan niya naman ako ng mga mata, hindi pa siya nakontento at hinila pa ang isang upuan para umupo sa tabi ko. Chismosa talaga ang babaeng 'to.

"True ba? Baka mamaya nag aassume ka lang ha,"

Inirapan ko naman siya. "Sa mukha kung 'to sasabihan mo ng assumera? Bakit ko naman gagawin 'yon aber?" kampanteng turan ko.

"So ano nga? Paano?"

Ikwenento ko sa kanya ang nangyari sa dinner naming dalawa ni Seb hanggang sa nagpunta kami ng bar pero syempre hanggang do'n lang ang sinabi ko. Hindi ko naman pwede ikwento ang nangyari sa amin at nakakahiya 'yon. Binigay ko ang kanyang pagkababae ko kay Sebastian kahit hindi pa naman namin napag uusapan ang label, samantalang kay Daniel na naging boyfriend ko ay hindi ko magawang ibigay ng sila pa na halos ilang taon din kami.

"No'ng sabihin niyang she likes you ay wala na siyang ibang sinabi? Ano naman ang sinagot mo? Anong plano niya? Manliligaw ba siya?" sunod sunod na tanong nito.

"Sinabi ko din sa kanya ang totoo na naging crush ko siya, ikaw na nga nagsabi na igalaw ko ang baso diba? At saka grab the opportunity nga dahil sinabi niya naman sa akin na gusto niya ako. Pero hindi pa namin napag usapan ang tungkol sa bagay na 'yan. Hindi ko din alam kung ano ang susunod niyang gagawin at ayaw ko naman 'yon pangunahan. Baka mamaya isipin niyang nagmamadali ako," sagot ko.

"Ay very good ka diyan teh, ganyan dapat hindi nagmamadali. Mas gusto ko pa naman si Sebastian kaysa do'n sa gago mong ex," natawa naman ako dahil sa sinabi nito. Akala ko pa naman ay nakalimutan na nito ang galit kay Daniel pero mukhang hindi pa din.

Isla Haraya : Elora (Complete) - Published Under Immac PublishingWhere stories live. Discover now