Chapter 18 - Pretending

161 4 0
                                    

Sebastian POV

Sa wakas ay natapos din ang huling meeting ko at makakauwi na ako, kanina pa ako hindi mapakali ng matapos naming mag usap ni Elora, hindi na ako makapaghintay na malaman kung ano ang magandang balita na sasabihin niya sa akin.

Inayos ko lang ang mga dokumento sa mesa ko dahil balak ko ng umuwi, wala naman na kasi akong gagawin at natapos na laht ng schedule na meron ako ngayong araw. 

"Sir, may naghahanap po sa inyo, gusto niya daw kayong makausap," saad ng sekretarya kung kapapasok lang.

"Sino?" tanong ko sa kanya, hindi pa siya nakasagot ng biglang pumasok ang taong tinutukoy niya.

"Seb, can we talk?" anas ni Scarlet, tumango naman ako kaya lumabas na ang sekretarya ko.

"Ano ang kailangan mo Scarlet? Wala naman akong natatandaan na may kailangan pa tayong pag usapan," diretsong tanong ko.

"Wala akong plano na manggulo, kung 'yan ang iniisip mo Sebastian, gusto lang kita makausap ngayon,"

"Tungkol saan? Pwede bang pakibilisan dahil kailangan ko ng umuwi at naghihintay sa akin ang girlfriend ko," wika ko at bumalik sa pagkakaupo.

"Mahal na mahal mo talaga siya 'no?"

"Sobrang mahal, Scarlet. Wala na akong plano na maghanap pa ng ibang babae, kontento na ako kay Elora kaya sana huwag mo ng ipilit pa ang sarili mo." saad ko.

Malungkot na ngiti naman ang iginawad nito sa akin. "Masaya ako dahil nakita mo na ang babaeng para sayo, ang totoo niyan ay kaya ako nagpunta dito para humingi ng tawad sayo. Alam kung hindi naging maganda ang huli nating pag uusap. I didn't mean it, wala naman akong plano na sirain ang relasyon niyo ni Elora, mahal kita sobra, pero hindi naman ako desperada para ipilit ang bagay na 'yon lalo na kung hindi naman ako ang mahal mo. Tanggap ko na Seb na kahit anong gawin ko ay hindi mo ako mamahalin,"

"Good to hear that, Scarlet. You don't need to apologize dahil nagmahal ka lang naman, pero hindi porke't mahal mo ang isang tao ay kailangan niya din suklian ang pagmamahal na 'yon kasi kung gano'n lang naman that's not love. Kasi ang tunay na nagmamahal ay hindi humihingi ng kapalit, kusa 'tong binibigay. Ayaw ko din naman na mas lalo ka pang masaktan dahil may pinagsamahan din naman tayo kahit papaano. I know you will find someone who will love you the way how you love him and I'm sorry it's not me. I am full of happiness now with Elora." seryosong turan ko.

"Na realize ko lang kasi na wala na talagang pag asa para makuha ko ang pagmamahal mo, kasi diba saan noon pa? Pero hindi talaga eh. Ayaw ko naman kunin ang kaligayahan mo. Nagpapakatanga lang ako sayo pero may hangganan din ang lahat ng 'yon. Wala naman kasi akong mapapala pa at kung makuha man kita alam kung hindi ka din magiging masaya kasi hindi naman ako ang mahal mo,"

"You will have your own happiness, Scarlet. You need to move on and heal from everything. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa pagmamahal mo sa akin. Allow and free yourself, na makakilala ng iba pa. Marami diyan at alam kung may lalaki na itinadhana para sayo. You jiust have to wait for the right time," nakangiting wika ko sa kanya bago tumayo. "So it's settle now? I hope na wala ng maging problema," dagdag ko pa.

Tumango naman siya sa akin. "I hope na makausap ko din si Elora to ask for forgivess dahil naging makasarili ako,"

"Soon! If we are all available," saad ko.

Sabay na kaming lumabas ng opisina ako, nauna naman akong nagpaalam sa kanya dahil kailangan ko ng makauwi. 

At dahil wala namang traffic kaya mabilis akong nakarating sa condo, pagpasok ko pa lang ay nakita ko si Kier na nanonood ng tv. "Nasaan ang ate mo?" tanong ko sa kanya.

Isla Haraya : Elora (Complete) - Published Under Immac PublishingWhere stories live. Discover now