Chapter 13 - Pain

198 8 0
                                    

Skyler POV

Kasama ko ngayon sa bar ang kaibigan ko na mukhang ilang araw ng problemado, alam kung nag away na naman sila ni Elora.

"Alam mo pre, himbis na umiinom ka araw araw ay bakit hindi mo na lang harapin at kausapin si Elora? Wala kang maayos kung alak lang ang aatupagin mo," suhestyon ko sa kaya.

Bumuntong hininga naman 'to. "At anong gusto mong gawin ko? Ang harapin siyang galit ako? Baka mas lalo ko lang siyang masaktan,"

"Bakit? Sa tingin mo ba ay hindi mo pa siya nasasaktan sa ginagawa mo? You've been ignoring her for almost a week already. Ilang beses ka na din niyang pinuntahan pero hindi mo siya kinakausap. You're being to much, hindi mo man lang ba nararamdaman na nasasaktan na siya sa trato mo?" anas ko.

"So her feelings is more valid than mine? Iyon ba ang gusto mong palabasin? Hahayaan ko lang ba ang nangyari dahil sa mahal ko siya?"

"Hindi gano'n ang ibig kung sabihin pre, hindi ko naman binabalewala ang nararamdaman mo eh. Ang sakin lang ay wala kayong maayos kung hindi niyo pag uusapan ang kung ano man na hindi niyo pagkakaunawaan. Hahayaan niyo pa bang masira kayo?" saad ko.

Wala naman akong narinig na salita pa galing sa kanya, hindi ko naman siya masisisi kung bakit ganito ang kaibigan ko, napapangunahan lang siya ng selos. Pero wala naman kasing mangyayari kung pareho silang maging mainit sa isa't isa. Alam ko kung gaano naging masaya si Sebastian simula ng maging sila ni Elora kaya hindi ako papayag na may sumira ng bagay na 'yon.

"Anyway, alam mo na ba ang balita?" pag iba ko sa usapan.

Nilagok muna nito ang alak na hawak niya bago bumaling sa akin. "Tungkol saan naman?" tanong nito.

"Bumalik na daw si Scarlet ah, hindi ka pa ba niya pinupuntahan?" saad ko.

"Eh ano naman ngayon sa akin? At isa pa bakit niya ako kailangan puntahan?"

"Alam mo ang ibig kung sabihin Seb, alam mo naman kung gaano ka patay na patay sayo ang babaeng 'yon, baka maging dahilan pa 'yon ng mas lalo niyong pag aaway ni Elora," wika ko.

"And do you think I will let that happen? Walang sino man ang makakasira ng sa amin ni Elora, subukan lang niya at may kalalagyan siya sa akin,"

"Sigurado akong hindi papayag ang babaeng 'yon once she knew that you are already in a serious relationship. Ewan ko ba naman kasi sayo kung bakit pinatulan mo 'yong baliw na 'yon." natatawang sambit ko.

"Anong sinasabi mong pinatulan ko? Alam mong walang namamagitan sa amin!"

"Sa kama meron, alam mo naman si Scarlet nagfefeeling na may kayo kahit na sinabi mo naman na huwag siyang umasa dahil hindi mangyayari ang bagay na 'yon. Mukha kasing wala naman epekto sa kanya 'yon kahit nga dati kahit may iba't ibang babae ka pang kasama o kinakama ay nandyan pa rin siya," mahinang turan ko.

Napailing na lang siya habang nagpatuloy sa pag inom kaya gano'n na din ang ginawa ko. Inikot ko ang mga mata ko sa paligid at nahagip ng mga mata ko ang isang babae na tahimik nakaupo sa isang stool sa counter bar habang umiinom.

"Pre, hindi ba at si Elora 'yon? Anong ginagawa niya dito?" biglang bulalas ko.

"What are you talking about? Lasing ka na ba? Ano naman ang gagawin niya sa lugar na 'to? sagot nito sa akin ng hindi man lang tumitingin.

"I'm sure na si Elora 'yan, look!" turo ko sa kanya sa babaeng tinitingnan ko.

"Shit!" malakas na bulalas niya nang sinundan ng tingin ang tinuro ko, mabilis naman 'tong tumayo at naglakad palapit sa girlfriend.

**** 

Sebastian POV

Nang makita ko ang tinuturo sa akin ni Sky ay mabilis akong tumayo para puntahan si Elora. Paanong nandito siya sa ganitong lugar ng mag isa? Hindi ba siya nag iisip? At kailan pa siya natuto na mag bar ng hindi man lang sinasabi sa akin.

Isla Haraya : Elora (Complete) - Published Under Immac PublishingWhere stories live. Discover now