Chapter 16 - The Plans

163 5 0
                                    

Daniel POV

"Sino ka? Saan mo nakuha ang numero ko?" tanong ko sa babaeng kaharap ko ngayon. Hindi ko siya kilala at nagulat na lang ako ng tumawag 'to sa akin dahil may importante siyang sasabihin sa akin tungkol kay Elora.

"Hindi na mahalaga kung saan ko nakuha ang numero mo. Alam kung ex girlfriend mo si Elora at gusto mo siyang mabawi kay Seb right? Pwede tayong magtulungan para mapaghiwalay sila," saad nito.

"At bakit ko naman gagawin ang bagay na 'yon? Hindi nga kita kilala tapos makikipagtulungan pa ako sayo?" seryosong wika ko.

"Dahil alam kung mahal mo pa si Elora, pareho lang naman tayo Daniel, gusto ko lang din mabawi si Seb, sigurado ako na kapag tinulungan mo ako ay makukuha natin ang mga gusto natin."

"Anong plano mo?" tanong ko sa kanya.

Sinabi niya naman sa akin ang kanyang plano, hindi ko alam na may mga babaeng kaya maging desperada sa pag ibig, alam kung ginawa ko din ang bagay na 'yon ang maghabol sa taong hindi na ako mahal pero na realize ko na walang magandang maidudulot sayo ang manira ng relasyon ng iba.

"At sa tingin mo ba tutulungan kita? Kung ako sayo Scarlet ay mag move on ka na lang, marami pang iba diyan. Huwag mo ng ipilit ang sarili mo sa taong may karelasyon ng iba." anas ko.

"What? Don't tell me tinatanggihan mo ang offer ko? Akala ko ba mahal mo ang babaeng 'yon at gusto mo siyang mabawi? Naduduwag ka ba?"

Ngumiti naman ako sa kanya. "Hindi kaduwagan ang pagpaparaya Scarlet. Oo mahal ko si Elora kaya hindi ko kayang sirain ang kasiyahan niya. Ilang buwan din akong naghabol sa kanya sa pagbabakasali ka mabawi ko siya muli pero na realize ko na hindi ko kailangan ipilit na bumalik siya sa akin kung hindi naman na ako ang mahal niya. Kung talagang mahal mo ang isang tao ay magiging masaya ka kung saan siya maligaya. Huwag mong pairalin ang galit at inggit, hayaan mong maging masaya ang taong mahal mo," paliwanag ko sa kanya.

"You're unbelievable!"

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin pero hindi ako makikipagsabwatan sayo. Hindi ko na kailangan gawin 'yon dahil alam kung makakamove-on din ako lalo na't aalis na ako ng bansa. I want the best for Elora at alam kung si Sebastian 'yon. They deserve each other sana matanggap mo ang bagay na 'yon. Kung ako sayo ay huwag mo ng ituloy kung ano man 'yang iniisip mo dahil baka 'yan pa ang ikapahamak mo o mas magalit pa sayo ang sinasabi mong mahal mo," mahinang turan ko at saka tumayo na. "Thank you for you time, Scarlet, sana matauhan ka na." dagdag ko bago tuluyan siyang iwan.

Wala na akong plano na guluhin pa ang relasyon na meron si Elora dahil malinaw kung nakikita kung gaano nila ka mahal ang isa't isa, marahil ay sila talaga ang itinadhana. Marami akong pinagsisihan ng mga panahon na naging kami pa ni Elora, how I treated her bad at labis kung pinagsisihan ang bagay na 'yon, kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan para itama ang kamalian na nagawa ko ay gagawin  ko pero alam kung hindi na mangyayari ang bagay na 'yon kaya hindi ko na ipipilit. Alam kung sa pagpapaubaya ko ay nasa tamang tao na ang babaeng mahal ko.

Sa ilang buwan na pagpupumilit ko sa buhay ni Elora ay marami akong na realize, may mga taong dumaan lang sa buhay mo para magbigay ng aral pero hindi para manatili ng matagal. Hindi sa tagal ng relasyon nasusukat ang tunay na pagmamahal, minsan kahit gaano pa kayo katagal kung hindi kayo ang para sa isa't isa ay mahirap ipilit. Kagaya na lang sa nangyari sa amin ni Elora, ilang taon ang naging relasyon namin pero mas nakikita ko kung gaano kasaya 'to sa piling ni Sebastian, alam kung sila ang tinadhanang dalawa. Mahirap ipilit ang isang bagay na hindi para sayo, mas hindi ka magiging masaya.

Nagpasya na akong magpakalayo layo muna para tuluyan ng makalimot, nakausap ko na din naman si Elora at Sebastian at humingi ako sa kanila ng kapatawaran sa mga nagawa ko.

*****

Scarlet POV

Naikuyom ko ang aking kamao ng umalis si Daniel, akala ko pa naman ay tutulungan niya ako pero mukhang nagkamali ako ng nilapitan. Akala niya ba magiging tulad niya ako na basta lang sinukuan ang taong mahal ko? Kahit na wala siya ay kaya kung gawin ang plano ko ng mag isa.

"Oh anong mukha 'yan?" napatingin ako sa kararating lang na kaibigan ko.

"Mukha ng maganda, ano pa ba aber?" bakas pa rin sa boses ko ang inis. 

Umupo naman siya sa akin at pinatong sa mesa ang hawak niang frappe. "Anong problema? Bakit hindi maipinta 'yang mukha mo? At saka akala ko ba ay may kakausapin ka?" sunod sunod na tanong nito.

"Iniwan ako ng lalaking 'yon. Hindi ko alam na duwag pala siya," sagot ko sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya. "Paano? Hindi ba siya pumayag?"

Umiling naman ako at saka sumubo ng isang slice ng cake. "Wala na daw siya planong manggulo sa relasyon ng ex niya dahil pupunta naman na siya sa ibang bansa." pagkwento ko sa kanya.

"Bakit kaya hindi mo na lang din gayahin ang ginawa niya? Marami ka pang oras para makapagmove-on girl, makakahanap ka pa rin naman ng lalaking para sayo,"

"Sa tingin mo gano'n kadali ang bagay na 'yon? Kaya nga ako bumalik para kay Seb tapos sasabihin mong bitawan ko na lang siya? Hindi ako tulad ng Daniel na 'yon na hindi kayang ipaglaban ang pagmamahal niya," irap ko sa aking kaibigan.

"Hindi naman masama ang ipaglaban ang mahal mo kung mahal ka din naman, pero sa sitwasyon mo kasi Scar, ikaw lang ang nagmamahal. Paano ka nakakasigurado na kapag napaghiwalay mo sila ay mapupunta sayo si Seb? Eh hindi ka nga mahal no'n."

"Pwede ba huwag ka na lang kumontra? Kung wala ka naman sasabihin na maganda ay itikom mo na lang 'yang bibig mo. Puro negatibo ang sinasabi mo. Kaibigan ba talaga kita? Bakit pakiramdam ko ay kumakampi ka pa sa kanila?" inis na wika ko.

"Kaya ko sinasabi ang bagay na 'to dahil kaibigan kita, Scarlet. Ayaw ko lang na sa huli ikaw lang din ang masaktan. Baka mamaya ay mapahamak ka pa sa pinaplano mo. Alam mo naman na mayaman si Seb paano na lang kapag nalaman niya ang mga ginawa mo?"

"Don't worry about it, sigurado akong mawawala sa landas ko ang babae na 'yan at babalik sa akin si Seb," nakangiting turan ko.


Isla Haraya : Elora (Complete) - Published Under Immac PublishingWhere stories live. Discover now