Lifetime

35 0 0
                                    

I was once dreaming to wear a beautiful gown and now it finally came true.
I was once dreaming to walk in the aisle and now it finally came true.
I was once dreaming to have a partner for a lifetime and now he's with me facing the altar.

"I now pronounced you husband and wife" sabi nung pari sa amin and then after that "you may now kiss the bride" the priest said. Dahan dahang itinaas ang aking veil ng aking pinakamamahal na asawa. He smiled at me like he won a lottery "You're so beautiful baby" he says.
Napangiti ako sa sinasabi nya hanggang sa nakataas na nga ang veil ko, inilapit namin ang aming mukha, napatingin sa labi at hinagkan ang isa't isa. Nagpapalakpakan ang mga tao sa loob ng simbahan. Nakakatuwang isipin na dati ko lang pinapangarap ang lahat ng ito at ngayo'y nagkakatotoo na nga.

I had some failed relationships and I learned from it hanggang sa dumating na nga si Josh sa buhay ko, my one and only love.
He's the reason why I changed and learned to grow.
I was once an immature lady until he let me learn to be mature.
I am so much inlove with this man infront of me, the man whom I never expected to be mine.
Dati pangarap ko lang na makatagpo ng lalaking iibigin ako sa pang habang buhay and now he's here and now my husband, my lifetime.

Natagpuan ko lang sya dati sa simbahan,
Ngayon nauwi parin kami sa simbahan.

We are not just destined to be a couple but for a lifetime.

I, Carmel, the wife of Josh.

------

Pagkatapos ng kasal, nag hawak kamay kaming dalawa ng aking asawa.

Sa labas ng simbahan nakita namin ang matandang mag asawa. Sobrang saya nilang tingnan na para bang walang bukas at bakas sa kanilang mga mata na sobrang inlove parin nila sa isa't isa.

Nakita nila kami pabalik at nilapitan kami sabay sabing "Best wishes to the both of you" at ngumiti.

"Thank you po" sabi ko naman.

"Naaalala ko pa noon, ganyan din kami kasaya ng asawa ko dati nung ikinasal kami. Para akong nanalo sa lotto sa tuwa, di ko akalain na mapasakin ang babaeng dati pinapangarap ko lang na dumating. Ngayon, tumanda kaming magkasama" Sabi nung matandang lalaki at hinalikan ang kamay ng kanyang asawa.

"Ang sweet niyo naman po" Sabi naman ng asawa ko.

"Ganyan dapat hijo, kahit na marami mang problema ang dumating sa marriage kailangan nyo parin ang isa't isa. Panatiliin nyo ang pagmamahal nyong dalawa, lumaban hangga't kaya and the sweetness dapat andiyan parin kung ano kayo dati" Sabi naman nung matandang babae.

"Thank you po sa advice nyo ahh, nakaka inspire po kayo" I said.

After that little conversation, nagpaalam na sa'min ang dalawang matanda.
Inalalayan ako ni josh sa sasakyan at sya yung nag drive, nauna na yung ibang bisita sa reception at heto kami na late ng very very light dahil sa dalawang matanda pero okay lang, nakaka inspire talaga sila tingnan and I know for sure magiging ganon din kami ng asawa ko in the future.
Isa sa mga natutunan ko sa relasyon naming dalawa, kung mainit ang ulo ng isa dapat kalma lang ang isa, at kung cold naman yung isa, dapat hindi sasabay yung isa at idadaan lagi sa magandang usapan kaya siguro kami nauwi sa kasalan dahil mas pinili naming intindihin ang isa't isa.

Love is unexplainable and a real lover is rare to find for a lifetime.

-The End.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now