Hi Crush

8 0 0
                                    

"Hi Crush"
✏@msfangirlwriter
Last Updated: Year 2019❤ (repost)

"Hi Crush!" Bati ko sa snobber kong crush, kahit saan siya pumupunta na nakikita ko siya lagi ko siyang binabati. May ibang babae nga inaaway ako kasi nga daw desperada akong pansinin si crush kahit na deadma lang ang sagot nito sakin, like dzuh who cares basta crush ko parin siya at walang magbabago dun.
Sa canteen...
Lumilingon-lingon ako sa paligid para makita ko si crush pero sa kasamaang palad hindi ko siya makita.
Kaya eto bumibili nalang ako ng pagkain, aakmang kukunin ko na sana yung pagkain ngunit-----"Hi crush" sabi ko sa kanya pero ang ending snob na naman ako, pinagtatawanan ako ng mga estudyante sa canteen pero bahala na sila wala parin akong pakialam..
After 3 days...
Busy na naman ako for our activity..
Tapos may iba't ibang booth, at dahil ako ang SSG President dapat laban lang sa mga gawain and guess who's my V-Pres? Si crush po yun, lagi naman kaming nagkikita pero kinakausap niya lang ako pag importante pero kapag ordinaryong araw lang wala lang kahit na lagi ko siyang binabati, minsan nga tinatanong ko nalang sa sarili ko kung ayaw niya bang may magkakagusto sa kanya.
------
Naglilibot-libot na muna ako sa iba't ibang booth, as usual kasama na rin dun ang paghahanap ko sa crush ko, kumpleto na ang araw ko pag nakita ko lang siya at binati hehehe.
Speaking of....
Nakita ko si crush na kasama ang parents niya, masubukan nga...
"Hi Crush!!" Bati ko sa kanya, I see the smile on his eyes nakakapanibago lang kasi nung sa tuwing binabati ko siya ng ganun dito sa school iba ang naging itsura niya---laging badtrip kaya ang sarap asarin. Ngingiti-ngiti lang siya ngayon at first time kong makita siyang masaya lalo na nandito ang parents niya---yes I knew his parents dahil lagi silang present every meeting ng teachers and parents meeting.
Nilapitan ko siya para maglibot kami sa mga booths at kamustahin ang mga estudyante pero natigil ako nung sabi niyang "Hi Wife" ghad! Is he referring to me? My eyes widened when he said that, Inakbayan niya ako at ipinakilala sa parents niya.
"Mom, dad.. This is My Wife" He smiled and kissed my hand infront of his parents.

"Stop day dreaming! Hindi ka parin crush ng crush mo"

Napaigtad ako sa sinabi ng bestfriend ko. Ghad akala ko totoo na yun eh, hayy.

End.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now