Nag-iisang Ikaw

11 0 0
                                    

"Nag-iisang Ikaw"
(Poem Version) Last updated 2022

✏msfangirlwriter

Ikaw na lagi kong tinatanaw
Ikaw na aking nag iisang ikaw
Ikaw na gusto ko
Ikaw na mahal ko

Sa'yo lang ako nagkakaganito
Ikaw lang ang minahal ko nang husto
Pangako ko sayo
Na nasa tabi mo lang ako

Hinding hindi kita iiwan
Hinding hindi kita pababayaan
Kahit sa oras ng sakuna
Ako pa'rin ay iyong makakasama

Sa hirap at ginhawa
Pag ibig ko sa'yo lang sinta
Sana hindi ka magbago
At ako'y hindi maglalaho

Ikaw lang sa puso't isipan ko
Walang makapagbabago
Ikaw ay palaging sapat
At alam yan ng lahat

Hindi ako magsasawang mahalin ka
Lagi mo yang tatandaan ha
Palagi kitang iintindihin
Para sa relasyon natin

Mananatili kang nag iisa
Hanggang sa huling paksa nating dalawa
Mananatili ka sa buhay ko
Hanggang sa huling hininga ko.

Ikaw lang at ako hanggang dulo
Habang buhay ay magkasama parin tayo
Ang Panginoon ang ating sentro
Sa pagmamahalan nating ito.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now