Heart vs. Mind

291 3 0
                                    

Sa love maraming pagsubok,
lahat kinakaya mo kasi sabi nga nila kapag mahal mo ang isang tao lahat gagawin mo para lang sa kanya.
Pag-ibig nga naman noh? ang daming nabaliw dahil dito, halos wala ng maibigay sa sarili dahil nandun na sa taong minahal niya ng lubusan.
pero paano kung sa dulo ay hindi magiging kayo?
paano kung wala ng pag asa dahil hindi na pwede?
ano nga ba ang mas matimbang?
pagmamahal sa isang taong mawawala o pagmamahal sa pamilya na kailanman hindi pwedeng palitan.
I know, I was stupid, reckless, rebellion, black sheep but that was before.
Yun yung mga araw na hindi ko pa iniintindi lahat kasi puso ang palaging sinusunod at hindi ginagamit ang utak.
And now that i'm no longer with him, hindi parin siya maalis sa utak ko pero I swear wala na siya sa puso ko. minsan nga, nako-confuse ako kasi iniisip ko siya lalo na sa mga bagay na makakapagpapaalala sa'ming dalawa. diba move on na? pero bakit? bakit andito parin at hindi pa umaalis! 5 years is enough. masaya na ako ngayon lalo na sa ibang bagay na kinahuhumalingan ko at nililibang ko pero nabobother parin e. lahat ng binigay niya sakin noon, itinapon ko na even the letters and anniversary gifts pero ang memories andito parin. I don't know if may feelings parin ako sa kanya, wala na akong mararamdaman pero parang bumalik siya ulit sa puso ko at ayoko ng mangyari yun, all i want is closure. yun lang at wala ng iba. Ang tanong, paano nga ba?

Flashback:

Liza Soberano as Sofia Sarmiento
Enrique Gil as Ethan Morales

I am a simple girl, pero nasa bahay lang palagi kasi strict sina mama at papa lalo na yung mga kapatid ko. honestly, naiinsecure ako sa ibang tao kasi nagagawa nila lahat ng bagay na makakapagpasaya sa kanila but me? parang walang alam sa mundo kundi school to house lang ang alam, akala ko ba it's for me pero bakit nila ako kinukulong ng ganito, para akong preso hindi makalabas. minsan nga gusto kong maglayas pero hindi ko nagawa dahil baka itatakwil nila ako at baka ano pa ang isipin ng iba naming kamag anak na may anak silang salbahe. ayokong matawag na ganun. marami akong kaibigan pero hindi naman ako nakakasama sa kanila because of my parents. sabi nga ng mga tao pag nasa bahay lang palagi ay yun ang mga disgrasyadang babae o lalaki kasi may sarili silang mundo at hindi nakikita ng iba pero hindi ako ganun kasi ipinakita ko kung ano at sino talaga ako. days, months, years passed by...
nasa fourth year highschool na ako, hindi ko inexpect na magiging complicated ang buhay ko because of someone.
I met someone, he's a good guy I think? pero wala akong paki kasi hindi pa ako marunong magmahal ng lalaki at pinagbabawalan pa ako ng mga magulang ko. yung iba nga 13 pa lang may bf na eh ako 16 wala pa din at gusto ko na ring maranasan yun noh, na curious kasi e or sadyang madali lang akong lokohin ng mga tao, medyo inosente kasi ako kaya ganito ako. So, nagkakakilala kami dahil we're classmates...
palagi kaming hindi magkasundo dahil sa iba't ibang bagay tulad nalang sa school.
pag perfect ako nagagalit siya, pero pag siya ang perfect wala lang sakin kasi for me hindi kompetisyon ang pag aaral kundi nasa utak yan.
days, days, days...
we become so close na, siguro dahil toh sa group project nun, hirap na hirap siya nun dahil hindi siya tinulungan ng kagrupo niya kaya tinulungan ko nalang siya tutal tapos na rin naman ako. nag guide lang ako at siya nalang ang nagbigay ng ideas, I don't want to share my ideas dahil para toh sa grades namin and I want to be part of the achievers this grading.
Weeks passed by,
bigla na lang siyang nagbago yun bang palagi na niya akong pinapadalhan ng letters, roses, teddy bears, chocolates at marami pang iba.
tinatanong ko siya kung para ano pero sabi niya pinapadala lang daw sa kaibigan niya para sakin so it means galing sa kaibigan niya at hindi kanya, hindi na rin ako nag assume na sa kanya yun noh.
nagdadalawang isip ako kung dadalhin ko sa bahay kaya ang ginawa ko, ibinigay ko nalang sa bff ko tutal wala din naman akong paki sa mga ganyan, manhid ang puso ko hindi marunong magmahal and I'm not sure kung kelan toh bubukas para sa isang tao.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now