Kagandahan

11 0 0
                                    

"Kagandahan"
(Poem Version)
Last updated: Year 2019❤

✏msfangirlwriter

Hindi ako kagandahan
Hindi rin sanay sa rampahan
Hindi rin kagustuhan ng iilan
Pero kayang magdasal hanggang sa walang hanggan
Minsan hinangad ko rin ang maging maganda
Yun bang tinitingala ng madla
Pero ang totoong kagandahan pala ay nasa loob at wala sa labas
Yun ang kagandahang walang kupas
Hindi ko alam kung paano pagandahin ang sarili
Paano ba naman kasi, wala akong pake
Sapat na sa'kin ang ganito
Yung pasimple lang at totoo
Mas naniniwala kasi ako na ang kagandahan
Ay nasa kalooban, hindi lang sa pamukhaan
May kagandahang ugali
At mayroon ding kagandahang mukha lang ang ipinagmalaki.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now