Pangalawa

14 0 0
                                    

"Pangalawa"
✏msfangirlwriter
Written or updated last 2019

Alam mo ba?
Alam mo ba nung una?
Nung hindi pa kita nakilala?
Nung panahon na hindi pa kita kilala.
Ako ay nagdarasal na sana
May darating na himala
At ikaw ay aking nakita.
Tayo'y nagkakilala
Nagtawanan, nag-asaran, nag-bangayan
Sana hindi na matapos pa
At Sana ikaw aking mas makikilala pa.
Dumaan ang ilang araw
Ikaw ay aking laging tinatanaw
Ikaw ay aking hinihintay
Lagi akong nakabantay
Sa iyong presensya sa aking buhay.
Natanong ko pa nga sa Panginoon na
Ikaw na nga kaya?
Ikaw na nga ba talaga?
O isa ka lang paalala.
Dumating na...
Dumating na ang panahon
Ako'y nahihirapang bumigkas
Sa mga salitang gusto kong ilabas.
Pero nauunahan ako ng takot
Takot na baka ikaw ay magdamot
Magdamot sa pagmamahal na gusto ko sanang ipagdamot.
Mahal na kita, mahal na mahal
At ang gusto ko tayo ay magtagal
Pero ang tanong
Matatanggap mo kayang may magiging ikaw at ako
Yung may matatawag na tayo.
Tinanong mo ko
Kung sino ang gusto ko
Nakagat ko ang aking dila
Ako'y nabibigla
Paano ko sasagutin
Ako pa naman ay matakutin
Matakutin na baka hindi tayo pareho ng damdamin
Kalahati sa puso ko
Ay nagtitiwala na gusto mo rin ako
Pero sa ibang kalahati nito
Ay baka pampalipas oras mo lang ako.
So ayun tama nga ang hinala ko
May iba ka nang mahal
Ang daya naman eh
Ang daya daya ng panahon
Ako ay kanyang hinahamon
At dahil ako'y isang tanga
Hinayaan lang kita
Hinahayaang angkinin ako
Hinahayaang maging sayo
Kahit na bawal maging tayo.
Marupok na kung marupok
Malugmok na kung malugmok sa kwartong bulok.
Pinipili ko parin ang puso kong baliw sayo
Kinakalaban ko ang utak ko nang dahil sa iyo
Bakit nga ba tayo ipinagtagpo?
Okay lang Sana kung ako lang sa puso mo
Pero may nauna na eh
At ako lang ay panghuli
Huli na nang dumating sa buhay mo
At isiniksik ko lang ang sarili ko sayo.
Ang hirap makihati
Mahal kita eh
Ang dami nang nagsasabi na
Layuan na kita
Pero hindi ko magawa
Mga mata ko'y ikaw lang ang nakikita
Labi ko'y ikaw lang ang binibigyan ng matatamis na ngiti
Tenga ko'y ikaw lang lagi ang naririnig
At higit sa lahat, ang isang ikaw lang tanging sinisigaw ng aking puso.
Gusto kong sigawan ang tadhana
Kung bakit pa kita nakilala
Kung bakit pa kita nakita
Kung bakit ikaw pa ang aking nakatadhana
Sa maling panahon at maling pagkakataon
Akalain mo yun umabot tayo ng ilang taon
Ilang beses mo na akong sinasaktan
Pero ikaw parin ay aking nilalapitan
Ilang beses mo na akong napaluha
Pero ikaw parin ang nagpapasaya sakin sinta
Ilang beses mo na akong ginago
Pero sayo parin ako tumatakbo
Ilang beses ko nang sinabing
"Tama na, ayoko na"
Pero nadadala parin ako sa iyong mga salita,
Sinabi mo pa nga na
"Mahal na mahal kita, hindi ako makahanap ng iba na higit pa sa iyo"
Nakakatawa, mukhang nakalimutan mo
May nauna kang minahal bago ako.
Minahal mo nga ba talaga ako?
O sadyang pinaglaruan mo lang ako?
May puso ka ba talaga?
O hindi ka lang talaga marunong makuntento?
O baka naman ako ang mali?
Ayy,! Mali nga talaga ako
Kasi dapat nung una pa lang hindi na ako nagpapaloko
Sa isang tulad mo,
Sa isang tulad mo na
May mahal na palang iba.
Gusto kong sumigaw
Isigaw lahat ng aking nararamdaman
Ikaw na aking mahal at minahal
Ikaw na tumagal sa mundo ko
Ikaw na tumagal sa buhay ko.
Nais ko lang sabihin sayo na
Tama na...
Nakakapagod na...
Nakakasawa na...
Maging PANGALAWA.
Muntik ko nang makalimutan na tao rin ako
At hindi laruan para iyong paglaruan
Kung ikaw ay nagsasawa na sa iba.
Salamat nalang sa lahat
Hindi ka man naging tapat,
Ikaw naman ay naging sapat
Hindi ka nga lang karapat dapat ipagkalat
Dahil ikaw ay matagal nang nakasulat sa isang aklat.
Hindi man tayo ang nasa aklat na yun,
Atleast naramdaman kong magmahal,
Kahit na ako'y patago lang,
Patago mong minamahal
Para hindi malaman ng iyong pinakamamahal.
Paalam na...
Hanggang dito nalang,
Ang ating huling kabanata.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now