My Bestfriend...My Crush...My Lover

129 2 0
                                    

Alam ko naman na simula pa lang nung una iba na ang iyong minamahal at ang role ko lang naman ay BESTFRIEND mo.
Sa tuwing nalulungkot ka andyan lang ako sa tabi mo hindi kita iniiwan, I am just only one call away para saan pa at naging bestfriend mo ako diba?

Sana man lang maramdaman mong mahal na mahal kita higit pa sa kaibigan.
Kaytagal ko nang hinintay na maamin sayo ang nararamdaman ko ngunit natatakot ako na baka masira lang ang friendship nating dalawa, ayoko namang masira yun, ayokong mawalan ng boy bestfriend.
Ikaw yung human diary ko, ikaw yung hero ko everytime na may nang-aaway sakin, ikaw yung clown ko everytime na nalulungkot din ako pero hindi mo alam na mahal kita ng higit pa sa inakala mo.

--------------------------

"Leiii" Nabalik ako sa realidad nang may pumitik sa noo ko.
"Aray ko naman aga?!" Sita ko sa kanya.
"Nagdi-day dream ka na naman noh?" He laughed at me, kahit kailan talaga ang manhid tapos ang rupok sa gf niya maghiwalay sana kayo.
"Hindi ahh! Bakit naman ako magdi-day dream? For what?" I smirked and rolled my eyes.
"Iniimagine mo siguro na tayo nang dalawa, ayeeeeeiiiih" sabay kiliti niya sa gilid ko langya talaga.
"Ano ba aga! Nakikiliti ako---" hindi ko na matapos ang sasabihin ko dahil patuloy pa rin siya sa pangingiliti sakin na sobrang hate ko pa naman.

-----------------

The next day...

"Good morning aga bear!" Bati ko sa kanya sabay kiss sa pisngi niya, napansin ko rin na wala siya sa mood, hula ko magkaaway na naman atah sila ni diana. "Lea, pangit ba ako?" Bigla niyang tanong sakin "Wala namang pangit sa mundong toh aga, only the society is ugly. Why are you asking about that?" Tanong ko pabalik sa kanya, tinititigan niya ako sa mga mata and I gulped. "Bakit ganun lea ginawa ko naman ang lahat pero eto na naman, pangatlong beses na niya akong niloloko" Pinahiran ko ang luha niya, engot kasi eh sabi nang tama na ilang ulit na siyang niloloko ng diana na yun tapos bumabalik pa rin. "Tama na ags, ang rupok mo na masyado yan kasi eh hindi mo binigyan ng chance ang iba na mahal ka, masyado mong finocus ang sarili mo sa babaeng walang ibang ginawa kundi ang lokohin ka ng paulit-ulit tapos ano isang sorry niya lang babalik ka na naman. Nakakasawa na aga! Gumising kana nga sa katotohanan?! Tss!"

"H---hindi ko alam ang gagawin ko, mahal na mahal ko siya lea"

"Wake up aga! Ilang beses na kitang pinagsabihan tapos anong nangyari?! Napapagod na ako kaka advice sayo!"

"Iiwan mo rin ba ako? Koala iiwan mo ko?"

"Tss, no! Hindi kita iiwan, sige lang iyak ka lang hanggang sa maubos mo ang luha mo hindi naman masamang umiyak eh, ang importante nailabas mo lahat ng hinanakit mo." Niyakap ko siya ng sobrang higpit para mabawas-bawasan ang sakit na nararamdaman niya. "Thank you koala, the best ka talaga!" I smiled. "Anything for my aga bear." Kaya wala akong jowa eh dahil sa aga na toh tss.

-------------------

1 week later...

I was walking around the school since wala namang klase dahil break time na, hinanap ko din si aga hindi kasi kami nagkasabay kanina dahil late siya iniwan ko na siya kanina, magkalapit lang kami ng bahay that's why we know each other.
Habang naglalakad ako napansin kong may isang couple na naglalambingan, I know that figures and it broke my heart into pieces.
Sobrang saya lang talaga ng bestfriend ko sa girlfriend niya, comeback is real nga talaga and my bestfriend is so marupok. Tiningnan ko lang sila dito sa malayo para naman may oras silang dalawa, ayoko nang maging third wheel nakakasawa na eh.
I wiped my tears, napaiyak ako, ano ba naman kasi.. Hinding-hindi niya ako magugustuhan dahil isang babae lang ang nagpapatibok sa puso niya at yun ay si diana.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now