Hindi ako gusto ni CRUSH

100 1 0
                                    

Lahat ginawa ko pero di parin sapat para sa kanya, ginawa ko ng tanga yung sarili ko upang mapansin niya. Ano bang meron sa iba na wala ako? Ano bang kulang sakin para ganituhin niya ako? Andito ako lagi sa tabi niya and it seems like kulang parin pala dahil sa iba nakatuon ang mga mata niya at ako'y isang hangin lang para sa kanya.

Para akong natutunaw sa mga titig niya, mundo ko'y tumigil nang siya'y papalapit sa aking gawi. Kaysarap titigan ng mga mata niya, kaysarap haplusin ng pisngi niya at kaysarap halikan ng labi niyang mapupula.

"Hey!"

Tapik niya saking balikat, agad naman akong namulat sa realidad. Tsk

"Oh?"

I replied. Andito na naman siya ano na naman kaya ang kailangan niya, gwapo talaga ng mokong na toh.

"Samahan mo ko sa kanya may ibibigay lang ako sa kanya eh pwede mo ba akong tulungan?"

"Anything for you"

"Thank you!!!"

Hinila niya ako at niyakap. Niyakap ko naman siya pabalik, Sana di niya maramdaman ang pagtibok ng aking puso. Kinakabahan ako na ewan, Hindi ko alam kung bakit basta ang alam ko lang ngayon ay kasama ko siya at tutulungan sa kung ano man ang kailangan niya. Sapat na siguro para maintindihan na iba talaga ang gusto niya, sapat nang intindihing HINDI AKO GUSTO NI....CRUSH

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now