Sirena

8 0 0
                                    

"Sirena"
Updated last 2022

✏msfangirlwriter

Sa ilalim ng dagat ay mayroong nakatirang libu libong mga sirena at isa na ako dun.
Labing walong taon na akong nakatira dito sa dagat ngunit hindi ako makalabas labas kahit sumilip man lang sa dalampasigan, sabi ng iilang mga sirena marami daw mga tao dun at sila'y pumapatay ng kapwa ko sirena.
Gusto kong lumusob doon at makita kung ano ang meron sa mga tao, kung ano ang mga itsura nila.

----

Makalipas ang ilang araw napagdesisyunan kung lumangoy langoy lang sa ilalim ng dagat hanggang sa may naaaninag ako sa ibabaw ng dagat.

Nakakita ako ng barko, naisip ko na baka may tao sa barko.

"Ano kaya itsura ng tao?" Tanong ko sa isip ko.

Lumangoy ako hanggang sa nakita ko nga ang barko.
May tao sa barko, iyan pala ang itsura ng tao ngunit may mga paa nga lang sila hindi tulad naming mga sirena buntot lang at laging lumalangoy at hindi nakakalakad.
Ano kaya ang pakiramdam maging isanf tao?
Gusto kong makaranas ng may paa.

Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik na ulit ako sa kweba kung saan ako nakatira.

Tahimik lang akong nakaupo sa bato at iniisip kung paano maging isang tao.

Habang malalim ang iniisip ko ay bigla akong kinalabit nga kaibigan ko.

"Uyy ariella, anong iniisip mo diyan?" Tanong nya sa akin

"Wala, wala akong iniisip" sagot ko naman kay ella.

"Halata kasi na malalim yang iniisip mo eh, may problema kaba?" Tanong ulit ni ella sa akin

"Ano kasi, sa wakas nakakita na ako ng tao. Noon kasi lagi ko lang naririnig kung ano yung anyo nila, kamukha lang pala natin sila noh kaso may mga paa sila pero tayo wala." Malungkot kong tugon sa aking kaibigan

"Paano ka nakakita ng tao? Lumangoy kaba patungong dalampasigan? Diba bawal tayong pumunta don? Paano kung napahamak ka?"

"Ella walang nangyari sakin, okay lang ako. Nakakita lang kasi ako ng barko kanina kaya ayun, nakakita ako ng tao pero di naman ako nagtagal" wika ko

"Wag mo nang uulitin yun ahh?" Ella

"Opo" sagot ko

---

Pagkalipas ng ilang araw, napagdesisyunan kong pumunta ulit sa dalampasigan nagbabakasaling makakita ako ng tao.

---

Nagtago ako sa isang malaking bato at nakakita ako ng tao, isa itong lalaki.
Matipuno, gwapo, matangkad, matangos ang ilong.
Nakita ko sya na nakaupo sa buhangin at halatang may iniisip.
Ano naman kaya ang iniisip ng lalaking toh?
Tanong ko sa aking isipan kahit di ko naman alam kung ano ang tanging sagot.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang lalaki sa gilid ng dalampasigan.
Ano kaya pangalan nya?

---

Kinabukasan,

Di ko namalayan na nagtagal na pala ako sa may bato kaya napagdesisyunan ko nang lumangoy.

Papalangoy na sana ulit ako nang biglang....

-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-"ARIEEEEL!!!!!"

Napaigtad ako sa sigaw, ang lakas ng boses halos mabingi ako.

"Po?"

"Why are you sleeping in my class?!"

Shit! Nakatulog pala ako nakakahiya.

"Sorry po mam"

"Mr. Ariel Tuazon, sa susunod na matutulog ka dito sa klase ko ipapakaladkad kita sa labas! Understood?!" Galit na sabi sa akin ng teacher ko.

"Y-yes maam"

Rinig ko ang tawanan ng aking mga kaklase, ang sarap na sana ng panaginip ko e.

Ba't pa kasi ako naging lalaki, kahit sa panaginip naging babae na sana ako e kaso sirena nga lang pero okay na yun.

I will always be ARIEL TUAZON and will never be ARIELLE the mermaid.

-The End.

Ps. I'm sorry kung bitin HAHAHAHA til' next time! Bye!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon