Destined but Not Meant To Be

171 2 0
                                    

(Spoken Word Poetry)

C.R.U.S.H

Crush? Eto yung word na madalas nating nagagamit sa tuwing may nagugustuhan tayong isang tao, yung taong kailanman hindi magiging atin lalo na't may iba nang umaangkin.

Masakit diba pero kailangang tanggapin, mahalin mo lang siya pero huwag mong angkinin, isa pa CRUSH mo lang siya at hanggang dun lang huwag nang umasa pa.

Habang tumatagal...
mas lalo pang tumitibok ang puso ko sa kanya kahit bawal.

Alam kong may mahal na siyang iba
hindi ko lang talaga mapigilan ang aking nadarama.

Matagal ko na siyang kilala at nakikita, hindi ko inakalang ako'y mahuhulog sa kanya.

Nakakatawa diba? sa tuwing kasama ko siya masaya ako, sa tuwing kapiling ko siya ang saya-saya ko pero sa tuwing may kausap siya parang nabiyak ang puso ko.

Takot na akong magmahal muli,
takot na akong masaktan ulit,
ang tanga-tanga ko bakit pa ako nagkagusto sa isang taong may iba ring gusto.

Sana hindi ko nalang siya nakilala pa,
sana hindi nalang kami ipinagtagpo kung masasaktan lang naman pala ako nang ganito.

Crush ko lang siya pero ba't ganito?








Dedicated to someone :)

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now