Til' death do us part (3)

304 13 2
                                    

Lea's pov

I'm still here in the hospital,
Ilang araw na ako dito pero wala paring aga ang nakikita ko. Sumusuko na ba siya?
Wala na ba? Umiyak na naman ako. Napapagod na akong maghintay sa wala. Asa'n ka na ba aga!?

Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa naabutan ako nina dawn at vice.

D: lea? Tama na. Wag ka ng umiyak.

L: ang sakit lang dawn, ba't di niya ako binisita. Ilang araw na ako dito, malapit na akong kumalbo, walang anino niya ang dumating dito. Malapit na akong mawala pero asa'n siya!?

V: lea tama na please. Diba sabi ko naman sayo nung sinugod ka dito sa hospital ay nakita ko siya.

L: oo sumunod nga siya pero bakit di siya nagpakita sakin!? Duwag siya !!!
Agghhh!!!

D: lea, makakasama yan sa kalagayan mo.

L: ayoko na dawn, handa na akong mawala.

Umiyak na naman ako, niyakap lang ako nina dawn.
Pinapatahan at kinukwentuhan para mawala ang sakit na nararamdaman ko.
Pero may kulang pa rin.
I want him, I want Aga, I want my babes 😓😭

Aga's pov

Ilang araw nang nandun sa hospital si lea pero wala pa rin akong ganang magpakita sa kanya. Hindi pa ako handa. I'm so sorry lea, hindi ko kayang nakikita kang nasasaktan o nahihirapan. I'm sorry my love.

Umiyak na naman ako.
I want to heal this pain.
Kelan ba ako maging handa?
Kelan nga ba?

2 weeks passed...

Lea's pov

Di na ako nakalabas ng hospital kasi palaging sumasakit ang ulo ko.

Wala na akong buhok,
Tanging panyo nalang ang naging buhok ko ngayon.
Nawalan na ako ng pag-asang mabuhay pa.

Si aga? Walang text o tawag.
Wala na. Wala na talaga.

Sobrang lubha na ng sakit ko,
Namamaga na ang mga mata ko sa kakaiyak.
Ilang araw nalang siguro,
Wala na ako sa mundong toh.

Goodbye aga. 😞

Aga's pov

Andito ako ngayon sa labas ng room ni lea.
Handa na ba talaga ako?
Kaya ko ba toh?
Eto na...

Unti-unti ko nang binuksan ang pinto at nakita ko si lea na sobrang tamlay.
Natutulog lang siya ngayon.
Ang sakit tingnan na nagdurusa ang taong mahal ko.
Mabait naman si lea pero bakit nangyari sa kanya ang lahat ng toh?
Pinigilan ko munang umiyak at nilapitan siya.

Hinihimas ko ang ulo niya at hinalikan ang noo niya.

A: babes? I'm sorry kung ngayon lang ako ahh. Di ko kasi kinaya na makikita kitang ganyan. Mahal na mahal kita lea. Lumaban ka,
Magpapakasal pa tayo diba?.
I miss you so much babes.

Habang iyak ako nang iyak,
Di ko namalayan na gumising si lea.
Ngumingiti lang siya sakin.
I miss her smiles.
Maganda parin ang fiancee ko kahit matamlay na siya at walang buhok.

L: ba't ngayon ka lang babes? Araw-araw akong naghihintay sayo pero di ka dumating?

A: pinuntahan kita lea pero takot lang ako.
Di ko kinaya na makikita kang ganyan. Ayoko lea.
*crying*

L: sshh.. Tama na babes, wag ka ng umiyak. Buhay pa ako ohh.. Magagawa pa natin ang mga gusto natin.

A: di ka na galit?

L: wala nang dahilan para magalit pa ako sayo. Naintindihan naman kita eeh. Sorry ahh? Nahirapan ka pa dahil sakin. Mahal na mahal kita babes.

A: deserve ko tong mahirapan noh, kaya kong magsakripisyo lea.
Gagawin ko lahat mapasaya ka lang.

One Shot StoriesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt