SINAYANG

3 0 0
                                    

SINAYANG

Ilang buwan na ba ang lumipas?
Ang mga araw mo ba ay maayos?
Maayos noong tayo'y nag-uusap pa?
Kailan kaya maibabalik ang nakaraan na?

Hindi naman nawala.
Nawala na parang bula.
Sa ako'y natatakot lang.
Natatakot na ika'y masaktan ng lubusan.

Nandito pa rin naman.
Nandito pa rin ang aking nararamdaman.
Ang pagmamahal na kahit kailan ay hindi mapapalitan.
Mapapalitan ng kahit na sino lang.

Pero alam ko.
Alam kong nasaktan kita.
Nasaktan sa aking pag-iwan.
Pag-iwan sa mababaw na dahilan.

Gusto kitang balikan.
Pero may nagbabadyang mga tanong.
Mga tanong na ayaw kong sagutin mo.
Dahil alam ko, alam kong hindi na ako.

Ikaw pa rin naman hanggang ngayon.
Hindi nawala sa mga pagkakataon.
Pagkakataong lagi kang nasa isip ko.
Siguro, kapag nasabi ko na sa'yo,
O sasabihin ko ba sa'yo?
Sasabihin ang totoog nararamdaman ko,
Hahantong ba tayo sa ganito?

Natatakot ako na baka,
Baka may bago na.
May bago ng nagpapasaya sa'yo,
May bago ng nagpapangiti sa mga labi mo.
May bago ng nagpapatibok ng iyong puso.

Kapag ba babalik ako,
May babalikan pa kaya ako?

~ C.B. | courageousbeast

Mga Tula ni TrixWhere stories live. Discover now