Takot

1.1K 9 0
                                    

Sa unang pagkikita,
Ako ay nagtaka.
Nang masilayan ang iyong mukha,
Ay napa-ibig bigla.

Araw-araw binabantayan,
Ang mga kilos mo pa saan man.

Hindi ko kaya na ika'y nakikita,
Nakikita na may kasamang iba.

Puso ko'y sobrang nasaktan,
Nang hindi mo nalalaman.

Natatakot akong sabihin sa'yo,
Baka ako'y pagtawanan mo.
Pero napagtanto ko,
Na iparamdam ang pagtingin ko sa'yo.

Labis akong nasaktan,
Sa aking nasaksihan.

Puso ko'y nadurog,
Nang makita ko kayo, oh, aking irug.

Hindi mawala-wala ang sakit,
Dahil sa aking sinapit.

Pero huli na ang lahat
At ang puso ko'y mananatili sayo'y tapat.


- courageousbeast

Mga Tula ni TrixWhere stories live. Discover now