Sakit

1.4K 15 1
                                    

Habang tumatagal,
Marami ang mga sagabal.

Away dito, away doon,

Hindi alam kung saan paroroon.

Hindi magkaintindihan,
Sa liit ng pinag-awayan.

Pero nang ika'y sumuko,
Tumigil ang aking mundo.

Alam ko ang dahilan,
Dahil ako'y nasasaktan.

Pagod ka na,
Pero ako, hindi pa.

Ang dali lang sa'yo kalimutan ang lahat,
Kasi sa'yo, hindi pa ako sapat.

Palaging umiiyak,
Dahil puso ay nabiyak at nawasak.

Huli na ang lahat,
Para malaman mo ang dapat.

Ginawa mo akong tanga,
Para ipamukha sa kanya na ika'y masaya na.
Pero ang totoo, mahal na mahal mo pa rin siya.

Paalam na mahal ko.
Pero kahit papaano,
Naging masaya naman ako sa piling mo.

- courageousbeast

Mga Tula ni TrixWhere stories live. Discover now