TANONG

8 0 0
                                    

Maraming umaalis,
Maraming bumabalik,
Maraming dumarating.
Pero bakit?
Bakit umaasa pa rin sa iyong pagbabalik?

Nagsimula sa pagkikita.
Humantong sa nami-miss kita.
Napunta sa sagot na oo
At sa huli, bakit hindi ako?

Mga tanong na kahit kailan ay hindi masasagot.
Palaging galit at puno ng takot.
Galit na baka mapunta ka sa iba.
At takot dahil hindi ka na mayayakap pa.

Tiniis ang sakit na dulot.
Sapagkat, bakit ako'y buglang naging salot?
Salot at balakid sa iyong buhay?
Na ang tanging hiling ay makasama ka sa iisang bahay?

Ngunit bakit ganito?
Ganito ang nararamdaman ko?
Una ay naging akin ka.
Subalit, bakit ka napunta sa kanya?

Ano ba ang pagkukulang?
Saan ba ang hindi pagkakaintidihan?
Sino ba ang totoong may sala?
Kanino isisisi ang pag-iba?

Nakakapagod pero lalaban.
Ipaglalaban kahit na nasasaktan.
Masakit sa pakiramdam.
Masakit ang may katapusang pagmamahalan.

Kahit masakit man,
Hindi na ipagkakait kahit kailanman.
Sa bago mong pinili,
Sana, sa piling niya,
Sana mahalin ka niya ng higit pa sa pagmamahal na kaya ko pang ipadama...

C.B. | courageousbeast

Mga Tula ni TrixWhere stories live. Discover now