END

7 0 0
                                    

May ending na masaya, at may ending na malungkot.

Masaya dahil sa wakas, wala ng maiiwan at naiiwan.
Malungkot dahil hanggang doon lang ang kaya niyong dalawa.
Masakit man isipin na nagsimula sa magandang usapan.
At natapos sa masakit na pagkakalabuan.

Tataposin, tapos, tinapos.
Tatlong magkakaibang pangyayari pero and huli ay masakit sa damdamin.
Masakit dahil sa akala mong hanggang huli ay kayo pa rin.
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, pinaglalaruan kung hanggang saan ang kaya ng pagmamahalan niyong dalawa

May lumaban at may sumuko.
Lumaban dahil ayaw niyang mawala ang taong mahal niya kahit pagod na pagod na siya.
Pero bakit ang dali lang sumuko ng isa? Sumuko dahil ito'y nagsawa.
Nagsawa sa pagdududang may kausap itong iba.

Ganun lang ba kadaling kalimutan ang pinagdaan dahil sawa ka na?
O talagang totoong may iba ka ng nagugustuhan?
Oo, masakit. Masakit dahil natapos ang lahat ng ganun ganun lang,
Pero ano pa bang magagawa ko? Sumuko ka na.

Hindi ko naman ugaling maghabol sa taong nagsawa na.
Nagsawa dahil hindi ganun ka higpit ang tinatawag na pagmamahal.
Pagmamahal na kahit kaylan, walang kasiguraduhan.

Siguro, ito na ang huli,
Huling pagkakataon na magmahal ako ng sobra.
End, isang salita pero kay laki ng epekto at may malalim na kahulugan.
Isang salita, tatlong letra pero malaki ang epekto sa taong nasaktan ng sobra.

- courageousbeast

Mga Tula ni TrixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon