Sandali Lang

734 6 0
                                    

Naghahanap ng makakausap sa sandaling walang magawa.
At pag-usapan ang mga pangarap, pangarap na nawala dahil sinira niya.
Dahil sa kanyang ginawa, puso ay nawasak,
Nawasak na hindi na maibabalik pa kahit na anong gawin dahil sa dinulot nitong sakit.

Nagkakilala dahil sa isang kaibigan.
Na naging dahilan ng pagiging magka-ibigan.
Sa sandaling pananahimik at pananatili, ang puso ay natali.
Natali sa taong kahit kailan ay hindi sa kanyang tabi mananatili.

Ang puso ay lubos na nasaktan ng kanyang iniwan.
Napuno ng pighati, sakit at galit na kahit kailan ay hindi malilimutan.
Nagsimula ang lahat sa pagiging magkaibigan.
Pero sa huli, sila ay hindi nagkatuluyan.

- courageousbeast

Mga Tula ni TrixOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz