PAHINGA

8 0 0
                                    

Nagsimula sa hindi inaasahang pagkakataon.
Hindi alintana kung saan paroroon.
Ang mga salitang kay lawak ng paroroonan,
Sapagkat, puso ay hindi alam na mawawasak.
Hanggang kailan?
Hanggang saan?

Walang kasiguradohan kung sa huli ay may tama.
Tama ba na ang puso ay isasakripisyong muli?
O itatago at ilalagi?
Ilalagi sa lugar kung saan walang sakit, walang kirot at walang pighati.
Ngunit,
Ngunit ng lubusan kang makilala, biglang may nag-iba,
Nag-iba ang gustong makita at maramdaman sa mga bisig mo.
Mga bisig mo kung saan mararamdaman ang tinatawag na tahanan.
Tahanan na binubuo ng pahinga at pagtitiwala.
Pahinga na sayo lang gustong madama at ang pagtitiwala ay sayo lang ipapakita.

Subalit,
Subalit anong nangyari?
Saan humantong ang mga imaheng gustong makamit?
Gustong makamit sa oras na makita at makasama ka?
Saan humantong ang mga pangako?
Pangakong 'di ka mapapagod?
Saan humantong?

Isang tanong, isang sagot.
Ano ang pagkukulang ko?
Ano ang mga bagay na hindi ko naibigay para ika'y sumuko?
Sumuko at ipako ang mga pangako?
Hanggang doon na lang ba talaga?
Wala na ba ang ikalawang pagkakataon?
Ikalawang pagkakataon para mas lalong maiparamdam sa'yo ang gustong sabihin ng puso ko?

Ganoon na ba talaga kahirap?
Kahirap hindi pakoin ang pangarap?
Pangarap na makasama ka?
Pangarap na bubuoin habang nasa tabi kita.

Bakit nga ba natapos na ang hindi pa nasisimulan?
At kung kailan na handa na,
Doon ka pa kumawala.
Kumawala na parang isang bula,
Bula na naglalaho bigla.
Ano ba ang dapat na gawin?
Nang ika'y tumabi sa akin hanggang sa sabay nating makamtam ang ating nga pangarap.

Ikaw ang pahinga.
Ikaw ang nagiging dahilan para ako'y mamahinga.
At ikaw ang sanang magiging tahanan.
Tahanan na kahit kailanman ay hindi na matatawag na akin.

- courageousbeast

Mga Tula ni TrixDär berättelser lever. Upptäck nu