MAPAGLARO

4 0 0
                                    

Napaniwala mo ako
Sa mga kataga mong kay totoo.
Pero ako'y iyong niloko
Para makuha mo ang gusto mo.

Sadyang ako'y naging tanga,
Sa mga salita mong kapani-paniwala,
Na akala ko'y totoo na,
Pero isang laro mo lang pala

Ako'y nasaktan mo ng todo.
Dahil ika'y minahal ko ng buong puso.
Pero ako ay naloko.
Kaya ang puso ay nasaktan ng husto.

Hindi maipagkakaila,
Na ika'y isang mandaraya.
Sa puso kong nagmahal lang ng tama sa taong masama.
Masama na ang alam lang ay paglaruan ang nadarama.
Nadarama ng mga taong nagpadama sa kanya na siya ay mahalaga.

Pero sadyang mapaglaro ang tadhana ko.
Binigay sayo ng buo ang puso.
Pero ano? Sinaktan mo ng parang wala kang puso.
Pero hanggang sa huli ay nananatili kang may puwang sa buhay at puso ko.

Masakit mang tanggapin.
Pero kailangang harapin at tiisin.
Ang mga bagay na nakakasakit din sa damdamin.

Isang laro para sa'yo,
Isang libong karayom ang tumusok sa puso ko,
Ika'y pinahalagahan at minahal ng wasto,
Pero ito'y sinayang mo.

Ang mga ngiti mong kay gandang pagmasdan,
Ang mga luha kong hindi na mabilang.
Ang saya mong tignan na parang wala lang,
Wala lang na ika'y may nasaktan.
Sabagay, para sa iyo, ito'y isang laro lang.

- courageousbeast

Mga Tula ni TrixWhere stories live. Discover now