Ikaw Lang

1.7K 16 0
                                    

Buhat ng ika'y makilala,
Ako ay nagtaka.
Kung bakit kapag ika'y nakikita,
Bumibilis ang tibok ng puso ng 'di ko inaakala.

Araw-araw kang minamasdan,
Kapag ika'y daraan sa aking harapan.

Ngunit ako'y naging bigo,
Nang ika'y biglang naglaho
Sa mundong kinatatayuan ko.
At sa iyong pagbabalik,
Ako'y naging sabik.
Dahil sa gusto ko ulit masilayan ang mga matatamis mong ngiti.

Nang aking nalaman,
Na kayo'y nagmamahalan,
Nawasak ng todo
Ang puso kong nagkagusto ng husto sa'yo.

Nawalan ng pag-asa,
Na tayo'y maging isa.
Hanggang sa punto na,
Na ako'y sumuko na.

- courageousbeast

Mga Tula ni TrixWhere stories live. Discover now