UMAASA

4 0 0
                                    

Masaya ka ba sa piling niya?
Ganun din ba siya kapag kasama ka?
Oo, masaya kayo sa piling ng isa't isa pero naisip mo ba?
Naisip mo ba na pwede ka niyang iwan ng walang dahilan?

Magkasama kayo araw-araw at ang puso mo ay naligaw.
Naligaw sa mga salita niyang kay tamis pero ikaw
Ikaw ay masasaktan ng labis.
Labis ang iyong pighati pero siya,
Siya ay masayang nakikita kang nasasaktan dahil sa kanyang kagagawan.

Napaniwala ka niya sa mga salita niyang kay sarap pakinggan.
Pero ang puso mo,
Ang puso mo ay unti-unting nawawalan ng karapatan.
Karapatan para siya'y mahawakan dahil ikaw
Ikaw ay pangalawa lamang.

Ang relasyon niyong maraming limitasyon.
Limitasyong ayaw niyang maging sanhi ng kanyang kahihiyan.
Kahihiyan sa mga pinaggagawa niyang mga kalokohan.
At dapat alam mo, alam mong ika'y pinaglalaruan niya lamang.

Ika'y naging bulag, bulag sa katotohanang ginagamit ka lang niya.
Ginagamit para siya ay maging masaya at ikaw ay magdusa.
Magdusa sa mga panahong sinayang mo sa kanya dahil ikaw,
Ikaw ay naging tanga,
Tanga na naniwalang mamahalin ka rin niya.

Hindi naman masamang mag-assume at mangarap na sa huli ay magiging kayo
pero isipin mo,
Isipin mo kung totoo ba ang nga pinapakita niya sayo.
Pero wala, eh, hindi ka nag-iisip.
Hindi mo iniisip na ikaw lang ang nagmamahal sa inyong dalawa.
Dahil sa mga pinapakita at sinasabi niyang ikaw lang sapat na.

Ikaw namang si tanga, naniwala ka,
Naniwala sa mga kataga niyang hindi naman makatotohanan at pawang mga kasinungalingan.
Oo, ramdam mo.
Ramdam mo na totoo yung pagmamahal niya sayo.
Pero na isip mo ba na baka ikaw ay nililinlang lang niya?
Nililinlang at patago kang pinagtatatawanan dahil naniwala ka sa kanyang mga salita,
salita na walang katotohanan.

Buksan mo ang iyong isipan, huwag puso ang palaging pinapanigan.
Pinapanigan na kahit alam mo ng mali at hindi tama, pero patuloy ka pa ring naniniwala,
Naniniwala na tama ang iyong mga ginagawa.

Isipin mo ang sarili mo, sarili mong nawala dahil sa kanya.
Pero wala pa rin, wala pa ring saysay ang mga sinasabi ng iyong mga kaibigan dahil patuloy ka pa ring umaasa.
Patuloy pa ring umaasa na pareho kayo ng nararamdaman para sa isa't isa.

Ang relasyon niyong walang label dahil ayaw niya,
Ayaw niya dahil hindi ka naman mahalaga sa kanya.
Ikaw ay naging pampalipas oras niya na sa tuwing mag-aaway sila ay nandiyan ka.
Ikaw, umasa ka, umasa ka sa wala.
Umasa kang sa huli ay ikaw ang pipiliin niya.
Pero anong nangyari? Pinaasa ka lang niya.
At ika'y palaging umaasa.

- courageousbeast

Mga Tula ni TrixWhere stories live. Discover now