PAGOD

6 0 0
                                    

Perpektong estranghero sa isa't isa.
Nagkakilala ng hindi inaakala.
Sarili ng bawat isa'y kinikilala.
Upang ang pagkakaibiga'y masaya
Sa piling niya.

Umabot ng ilang taon.
Hindi nabigyan ng pagkakataon.
Na ipahiwatig ang bagay na nilalaon.
Nang pusong sayo'y lumalaon.

Hindi makapaniwala.
Sa iyong ipinadarama.
Dahil hindi naman ako tanga.
Para hindi maramdaman ang nais ipadama,
Nang iyong pusong nagmamahal na
Sa isang taong tulad ko na kay saya.

Mula sa pagiging magkaibigan.
Hanggang sa naging magka-ibigan.
Sa paglipas ng mga araw na nagkalabuan.
At hindi alam ang mga dahilan.

Sa bawat sandali,
Ako'y naging sawi.
Bakit ito nangyayari?
Nangyayari ang mga bagay na dapat ay hindi?

Lahat ng bagay pinag-aawayan.
Mga problema ay nadadagdagan.
At hindi na magkaintindihan.
Dahil tayo ay lubos ng nasasaktan.

Napagod ako, oo.
Napagod ako sa pag-iintindi sa'yo
Na kahit na gusto ko nang sumuko,
Pero heto ako at nasa tabi mo.

Sobrang pagod na.
At ang puso ko'y nagpasya,
Nagpasya na hindi na tayo ang para sa isa't-isa.
At makakahanap ka pa ng iba.

Kahit papaano ay naging masaya naman ako.
Naging masaya sa mga bisig at piling mo.
Pero pagod na pagod na ako.
Pagod na ang hatid ay sakit na dapat ay saya mahal ko.
Paalam na sa'yo, o giliw ko.

- courageousbeast

Mga Tula ni TrixWhere stories live. Discover now