Muli

829 5 0
                                    

Ang malamyos mong mga ngiti,
Ang ngiting gustong makita muli.
Pero alam kong hindi na mauulit
Dahil ika'y nang-iwan sa huli.

Hindi naisip na ika'y mawawala,
Sa mga bisig namin na ka'y saya.
Gano'n nga talaga ang tadhana?
Mapaglaro sa mga taong lubos na nagsasaya?

Nananalangin na sana, sana makita ka kahit sandali.
Makita kang masaya kung nasaan ka man.
Para kahit papaano ay mapanatag ang sarili.
Sarili na kahit kailan ay hindi ka malilimutan.

- courageousbeast

Mga Tula ni TrixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon