Akala Ko

3 0 0
                                    

"Akala ko"

Hindi ko alam,
Kung ano ba ang nararamdaman.
Nang ika'y nagparamdam
Nang may katagalan.

Masaya ako,
Na nasa piling mo,
Dahil pinaparamdam mo.
Na ako ay mahalaga sayo.

Lumipas ang mga oras.
Ako ay dumanas.
Ang puso ko'y iyong hinaplos,
Dahil sa iyong mga kilos.

Akala ko okay na,
Pero hindi pala.
Akala ko nakalimutan mo na siya,
Pero akala ko lang pala.

Ang sakit sa mata,
Na makita kang masaya sa piling niya.
Pero mas masakit makita,
Makita na ika'y umiiyak ng dahil sa kanya.

Naging masaya naman ako.
Kahit papaano ay naging magkaibigan tayo.
Pero ako ay hulog na hulog sayo.

Akala ko ako na,
Ako na ang papalit sa kanya,
Pero hindi pala.
Ako'y naniwala sa akala,
Akala na pareho tayo ng nararamdaman,
Nararamdaman para sa isa't isa.

Ang mga pangarap ko ay biglang naglaho.
Nang nalaman ko na ginamit mo lang pala ako.
Para siya ay pagselosin mo.
At para magkabalikan kayo.

Akala ko, gusto mo rin ako.
Akala ko, totoo yung mga pinapakita mo.
Akala ko, magiging tayo.
Akala ko, hanggang sa huli ay tayo.
Akala ko lang pala ang lahat.
Akala na hindi pala dapat.

- courageousbeast

Mga Tula ni TrixWhere stories live. Discover now