Teaser

151K 4.7K 1K
                                    

Please don't spoil anyone kung sino ang mga killers. Let the new readers enjoy the story with a big question mark in their mind dahil masasagot din 'yan as the story goes by.

For new readers, if you don't want to be spoil, don't read inline comments. Enjoy the Game!☺️

***

Naranasan mo na ba ang may lumapit sa'yo na isang matandang babae? Isang babaeng matanda na alam ang lahat ng problema mo sa buhay. Mula sa pamilya, pera, kaibigan, at maging sa iyong sarili.

Paano kung imbitahan ka niyang laruin ang isang masayang laro?

Papayag ka ba?

Isang laro na bubuhay ng lahat ng takot mo, isang laro kung saan kailangan mong gamitin ang iyong tenga, talasan ang pandinig, at mag-ingat sa bawat salitang bibitawan mo.

"Guys hindi ako ang killer maniwala kayo!"

"H'wag niyo akong patayin! Kaya kong patunayan sa inyo na inosente ako at hindi ako ang pumapatay!"

Dalawampu't anim na kabataan ang makukulong sa loob ng isang parke upang laruin ang isang nakakatakot na laro. Ikaw sasali ka ba sa Killer game?

Sino ang makakaligtas?

Sino ang mga pumapatay?

Sino ang totoong may kasalanan?

Once you've become curious about it, there's no turning back.

Killer GameWhere stories live. Discover now