Chapter 17: Night 5

47.5K 1.7K 705
                                    

Chapter 17: Night 5Tomy

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 17: Night 5
Tomy

Malapit na naman palang magdilim at hanggang ngayon ay marami pa rin sa mga kasamahan namin ang hindi pa nakaka-get over sa mga pangyayari kanina. Who would thought that isa si Terrence sa mga pumapatay?

Habang naglalakad ako ay nakita ko si June na nakaupo sa hindi gumagalaw na anchors away. Bakas sa mukha nito ang pagkalungkot at pagkadismaya.

Kung mayroon man ang tao ang pinaka-apektado ngayon, iyon na marahil si June. Sa buong araw ngayon ay wala siyang ibang ginawa kun'di ang ipagtanggol ang kaibigang si Terrence. Ipinagtanggol niya ang tao na akala niya ay nasa tama.

“June!” Umupo ako sa kanyang tabi, tiningnan niya ako ngunit bumalik ulit siya sa pagkakadukdok.

“Bakit mo ako kinakausap? Dapat ay galit ka sa akin. Isa ako sa mga nagtanggol sa kanya,” Malungkot niyang sabi.

“Kung kaibigan ko rin naman ang malalagay sa gano’ng sitwasyon ay gagawin ko rin ang inyong ginawa. This is a game, lahat tayo ay pwedeng magkamali.” Nakangiti kong sabi sa kanya, gusto kong pagaanin ang loob niya kahit papaano.
“Sorry,”

“No, June, ‘wag kang mag-sorry. May oras ka pa para itama yung pagkakamali mo.” Sabi ko bago ako naglakad paalis.
Pumunta ako saglit sa kwarto ko upang maghanda sa nalalapit na laro.
"Tomy tara na, malapit ng magsimula ang laro," Sabi ni Cedric sa akin, sa tagal ko sa larong ito ay tanging si Cedric at Coby lang ang itinuturing kong kaibigan.

Parati ko lang naman inaasar si Stacy pero hanggang ngayon ay hindi pa siya karapat-dapat sa tiwala ko. I remembered how she pulled me down during the first day and based on her attitude, hindi malayong magawa niya ulit ang bagay na iyon.

“Naghintay kayo? Sorry,” Nabigla ako nung biglang may bumatok sa ulo ko. Si Jessie. “Aray! Tomboy ka talaga!”

"Suntukin kaya kita." Sagot niya sa akin. Hindi naman halata sa katawan ni Jessie ang pagiging tomboy dahil na rin babae pa rin ito manamit.

Natuloy ang aming masayang asaran hanggang pababa ng lobby.

No'ng makumpleto kaming lahat ay ilang minuto rin tumagal ang aming pag-uusap hanggang sa tuluyan ng tumunog ang bell. Hudyat ito na magsisimula na naman ang isang demonyong laro.

Saglit akong napatitig kay Owen... Ano bang mayroon sa lalaking ito? Kung pagmamasdan ko naman siya parang ang imposible niyang umangat sa ibang manlalaro lalo na't parati niyang pinagmumukhang tanga ang kanyang sarili. But when it comes on investigation, there's like a beast waking up inside his body.

"Players the game will start after 5 minutes, please prepare yourselves!"

Sa pagkarinig namin sa misteryosong tinig ni Amanda ay agad kaming tumayo sa komportable naming mga puwesto.

“The doctor decided to save Owen Garcia tonight!”

A little smirked formed on my lips. The doctor knows to play this game, he or she saved the most important person in this game. Hindi naman ako gano'ng katanga para hindi malaman ang mga taong may role sa laro. May hinala na ako sa bawat katauhan pero mananahimik muna ako.

Killer GameWhere stories live. Discover now