Chapter 19: Judgment Phase 5

38.7K 1.7K 280
                                    

Chapter 19: Judgment Phase 5Tomy

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 19: Judgment Phase 5
Tomy

"Pare ba't mo naman ipinagtanggol si Nick?" Pagtatanong sa akin ni Coby habang nakaupo kami sa rides na parang mga tasa, trip lang namin tumambay sa ganito.

"Hindi ko naman siya ipinagtanggol Coby, sinabi ko lang naman yung nalalaman ko." Sagot ko sa kanila. Isa pa, wala naman talagang kasalanan si Nick... Ewan ko ba sa gagong 'yon, mas gusto niyang siya ang pagbintangan naming lahat.

“Kilala mo naman ‘yang si Tomy,” natatawang sabi ni Cedric. “Ipaglalaban niya talaga kung ano ang alam niya.”

"Pero sa tingin ko guys ha, may malalim na alitan 'yang si Jenny at Nick. Hindi naman sila magbibintangan ng ganoon kung walang hidwaan 'diba?" Sabi ni Coby.

“Tinatrato kasi ni Jenny si Kim as her bestfriend kaya ganoon na lang ang galit niya kay Nick no’ng pinabayaan ni ito,” Kwento sa amin ni Cedric. “Kung ako man ‘yon ay ganoon din ang magiging reaksyon ko.”

May punto naman si Cedric, pero hindi sa lahat ng pagkakataon, pagkakaibigan ang uunahin mo... Utak muna bago ang puso. Your alliance will be your enemies soon.

Matapos ang ilang minuto ay bumaba na rin kami... Muli naming nasalubong sina Raven at mukhang naglalaro sila ng charade. Si Owen ang umaarte at sina Raven ang humuhula.

Hanggang ngayon ay nakakapagtaka at isa pa ring malaking katanungan ang galing ni Owen sa pag-iimbistiga. He's a total dork kapag wala sa trial. He's act is different on how he thinks.

At this moment, I think Owen rules the game. Dahil sa ginawa niyang panghuhula sa katauhan ni Terrence mas maraming naniniwala sa kanya. Kaya no'ng tinuro niyang killer si Jenny, marami ang naniwala sa kanya.

Naglakad na lamang kaming tatlo nd accidentally ay nakasalubong namin sina Stacy. A sudden smile formed on my lips, kung sinusuwerte ka nga naman.  Here comes my stress reliever.

Inasar ko lang si Stacy na kasama si Shaine at nakipagbiruan sa kanila.

Napatigil na lamang kaming lahat sa biglaang pagtunog ng bell. Muli na naman kaming pinatutungo sa trial court.

***

Nandito na naman kami sa trial of course napadako agad ang aking mga mata kay Jenny, matalim siyang nakatitig sa amin ni Owen... Magkatabi kasi kaming dalawa.

Sa nangyaring trial kanina, parang si Owen ang nagsilbing promotor samantalang ako ang dakilang taga-sulsol. Masisisi niyo ba ako? Nakita ng dalawa kong mata ang mga totoong nangyari kaya hindi ko ititikom ang aking bibig sa mga nalalaman ko.

Nakaupo lamang si Jenny sa isang upuan habang nakatali ang kamay at paa niya, may tape din ang kanayang bibig kaya hindi rin siya pwedeng magsalita. Sa dalawang gilid ng kanyang inuupuan, meron dalawang mahabang parang dingding, pero ang dingding na 'yon ay puro tulis ng pako.

Ang mangyayari kay Jenny kung mamamatay siya ay maiipit siya sa pagitan ng dalawang dingding.

"Let's count the numbers of votes,"

"Cedric voted Yes"
"Stacy voted Yes"
"Hannah voted No"
"Chelsea voted Yes"
"Owen voted Yes"
"Tomy voted Yes"
"Raven voted No"
"Nick voted No"
"Jessie voted Yes"
"Loren voted No"
"Coby voted Yes"
"June voted No"
"Crystal voted No"
"Phil voted Yes"
"Mario voted Yes"
"Caleb voted Yes"
"Shane voted No"

Hindi na ako nagulat no'ng halos nahati ang boto namin sa pagkakataong ito. 17 players lang ang bumoto dahil nga si Jenny ang pang-18 na survivor.

"10 people voted yes while only 7 voted no!"

Napalingon kaming lahat kay Jenny. Napakislot kaming lahat ng may bigla kaming marinig na tunog ng makina. Unti-unting gumagalaw ang dalawang dingding at nagtutungo sa direksyon ni Jenny.

"Jenny!" Malakas na sigaw ni Nick ngunit mabilis siyang pinigilan ni June, kahit maingay na ang makina ay dinig na dinig pa rin namin ang lakas ng sigaw ni Nick.

Hindi ko alam kung dapat ba akong maawa para kay Jenny o dapat ba kay Nick ako maawa? Seriously? Nilaglag na siya't lahat pero nagiging concerned pa rin siya. Pathetic.

"'Wag ka nang magtangkang lumapit pa Nick, iyan na ang kapalaran niya." Sabi ni Hannah.

No'ng tumama na ang mga tusok ng pako sa katawan ni Jenny ay mariin akong napapakagat sa aking ibabang labi. Kitang-kita ko kung paano lumabas sa katawan ni Jenny ang kulay pulang likido. Minsan nga ay para itong fountain dahil tumatalsik pa ito.

Kitang-kita namin ang pagwawala ni Jenny ngunit dahil sa kanyang ginagawa niya ay mas lalo lang lumulubog ang mga tulis ng pako sa kanyang katawan.

Kung tatanungin niyo ako kung saan nakukuha ni Amanda ang mga ginagamit niyang pang-torture sa mga taong sumasabak sa judgment... Hindi ko alam, wala akong ideya sa ginagawa ng hayop na 'yon.

Halos hindi na namin makilala si Jenny dahil nababalutan na ng pulang likido ang buo niyang katawan. Ilang minuto rin siyang gumalaw-galaw.

Nagulat naman kaming lahat ng biglang may tumunog ng malakas at tumalsik ang napakaraming dugo, umabot pa ang ilang patak ng dugo sa amin. Tuluyan ng naipit si Jenny at dahil sa lakas ng impact ay nagkalat ang mga lamang loob niya sa lapag at parang isang gripo naman ang pag-agos ng dugo mula sa walang buhay niyang katawan.

"Players it's a game over for Jenny Ortiz! Her game identity is— INNOCENT"

Bago kami lumabas ay napansin ko ang masinsin na tingin ni Owen sa speaker na nasa pader. Alam kong may iniisip siya ngayon.

~

Male Players:
1. Raven Alva (Police)
2. Coby Francisco (???)
3. Mario Reese (???)
4. Tomy Lawrence (Innocent)
5. Phil Hernandez (Innocent)
6. Nick Warner (???)
7. Caleb Jacobs (???)
8. Cedric Weaver (???)
9. June Blake (???)
10. Owen Garcia (Detective)
11. Ian Curtis (Innocent) [X]
12. Terrence Estrada (Assassin) [X]
13. Bryan Park(Innocent) [X]
14. Evan Wilkins(Innocent) [X]

FEMALE PLAYERS
1. Crystal Park (???)
2. Shane Rodriguez (???)
3. Jenny Ortiz (Innocent) [X]
4. Hannah Gutierrez (???)
5. Chelsea Summers (???)
6. April Morris (Innocent) [X]
7. Loren Martinez (???)
8. Stacy Wilkins (???)
9. Angel Dela Pena (Nurse) [X]
10. Kim Gomez (Innocent) [X]
11. Jessie Lopez (???)
12. Erica Hunter (Innocent) [X]

Survivors left: 17

Killer GameWhere stories live. Discover now