Chapter 14 :Night 4

45.3K 1.7K 699
                                    

Chapter 14: Night 4Raven

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 14: Night 4
Raven

Malapit na naman magsimula, natutuwa naman ako para kay Crystal dahil finally! Natauhan na siya, nakapag-adjust na siya. Nasa kwarto lang ako ni Owen habang hinihintay ang kanyang sunod na magiging utos, to be honest... nagsisimula na akong magtanim ng galit kay Owen. Pakiramdam ko kasi ay hindi niya ako pinagkakatiwalaan, kahit na magka-partner kami sa lahat ng pag-solve sa misteryong ito.

"Owen gano'n pa rin ba ang gagawin ko?" Pagtatanong ko sa kanya, ilang araw ko na ring binabantayan si June and to be honest! Wala talaga akong nakikitang kakaibang pagkilos galing sa kanya.

"Nope," Sabi niya sa akin at kumuha ng isang kutsilyo sa kanyang drawer. "Gusto kong alamin mo lahat ng tawag sa kutsilyo na nandito ngayon sa park." 

"Ha? Para saan? Owen ang walang kwenta ng mga iniu—"

“Gawin mo na lang,” sabi niya muli sa akin at napabuntong hininga na lamang ako.

Habang nasa trial kami at judgment phase kami kanina ay may isang bagay akong napansin. "Owen, sa tingin mo ba recorded lang lahat ng boses ni Amanda?"

"So you'd finally noticed?" Sabi niya at tsaka ngumisi. So all this time ay alam niya na ang tungkol sa bagay na iyon? "Hindi lang tayong dalawa ang nakakapansin niyan, paniguradong alam na rin iyan ni Stacy at Tomy base on the level of their observation."

"Sa tingin mo? anong dahilan ni Amanda?"

"Simple lang," Lumapit siya sa akin at bumulong. "Isa sa atin si Amanda Park."
Para namang nagtaasan ang aking mga balahibo dahil sa kanyang mga sinabi.

“Theory ko pa lang naman iyon, wala pa ‘kong sapat na ebidensya para mapatunayan ito. At isa pa, hindi si Amanda ang kalaban natin sa laro kun’di ang mga killers.” Sabi sa akin ni Owen at nakahinga ako ng maluwag.

“Tsaka nga pala, ginamit ko ang una nating ability kanina, inalam ko ang katauhan ni Phil.” Hindi na ako umangal dahil gusto ko rin malaman ang katauhan ni Phil. “Innocent lang siya.”

"Sabi ko naman sa'yo Owen eh, masyado ka lang nag-o-overthink sa mga taong nakapaligid sa'yo." Sabi ko sa kanya.

"That's what you called a smart tactic. Iyon ang role na'tin sa larong 'to, we are the one who's responsible for revealing the identity of each suspicious person. Hindi overthink ang tawag do'n, iyon ang tinatawag ng paggamit ng utak. Aralin mo ang bagay na 'yan." Sabi niya at lumabas ng silid.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ako sumunod sa kanya palabas. Bakit ba kailangan ko laging sundin si Owen? Why I need to know all the type of fucking knives? Basta kung ano yung bagay na maliit na matulis kutsilyo ang tawag doon... Bakit may mga types pa 'to?

Killer GameWhere stories live. Discover now