Chapter 33: Trial Phase 10

41.5K 1.7K 952
                                    

Before I start this chapter, I have a great news for you, guys!

Killer Game will be publish under Psicom and will be available nationwide soon! It will be release at MIBF first and then, will bw available nationwide the month after. :)

Chapter 33: Trial Phase 10Raven

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

Chapter 33: Trial Phase 10
Raven

Hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ako sa kawalan at hindi ko lubos maisip na si Owen ang sunod na mawawala sa laro. We're all affected sa nangyari, para kaming isang ibon na pinutulan ng pakpak... Hindi na kami makakalipad, wala na kaming mararating. 

“B-bakit nangyari ‘to!?” Malakas na sinuntok ni Mario ang pader.

"Hindi lang naman ikaw yung nawalan, kaibigan ko rin si Owen," Sabi ni Crystal.

Bago pa tuluyan na magkainitan ang dalawa ay pumagitna na ako at pinatahimik sila. "Walang mararating 'yang pagtatalo niyo.”

Masakit sa loob ko. Pakiramdam ko kasi ay ako ang may kasalanan sa pagkawala ni Owen. Kung hindi kami nagkaroon ng pagtatalo kagabi ay paniguradong nandito pa siya ngayon, kung sumunod lamang ako. Totoo nga ang laging sinasabi ni Owen... Bobo nga talaga ako.

“We should move forward. Tara muna sa restaurant at kumain,” kailangan kong ipakita sa mga kasamahan ko na okay ako, baka kapag nakita nilang kinakaya ko ay baka kayanin din nila.

As I continue my days here, nakalimutan ko na nasa isang survival game nga pala kami. This is a survival of the fittest. Alam ko naman na si Owen ang pinakamagaling sa amin, pero daig nga talaga siguro ng mandaraya ang matalino.

Dahil napatay ng serial killer si Owen, doon ko napatunayan na mali ang akala ko... Sabi ni Jessie ay bobo ang serial killer pero lumalabas na matalino naman pala ito. Kung hindi man siya matalino, paniguradong magaling siya sa Pagmamanipula at pagpapakitang tao.

Well, all demons once an angels.

Umupo na ako sa isang silya, sa tabi ni Tommy specifically. Pinagmasdan ko ang paligid at hindi ko maiwasang malungkot. Sa bawat sulok kasi ng restaurant na ito ay naaalala ko ang mga kasamahan namin. Maraming alaala ang nandito kasama ang ibang players.

"Ibang-iba na ang atmosphere ngayon 'no?" Nakangiting sabi sa akin ni Tomy habang humihigop siya ng kanyang kape. "Tumingin ka sa paligid."

Tinignan ko ang paligid at pinagmasdan ko ang ekspresyon ng bawat kasamahan ko. Lahat sila ngayon ay malungkot. Siguro ay pakiramdam nila ay wala na kaming pag-asa na makalabas pa rito dahil sa pagkawala ni Owen. Iyong mga ekspresyon na nakapinta sa mukha ng mga kasamahan ko... Ang ekspresyon na ayokong makita ng dalawang mata ko.

Tumayo ako, "Guys ba't ganyan kayo?  Makakaya natin 'to!" Malakas kong sigaw.

"Raven, wala na si Owen. Imposible na tayong makaalis dito, tanggapin na lang natin," Sabi ni Chelsea. Lahat sila ay pinanghihinaan na ng loob.

Killer GameDove le storie prendono vita. Scoprilo ora