Chapter 37: Trial Phase 11 part 2

42.2K 1.7K 756
                                    

Last 2 chapters :)

Chapter 37: Trial Phase pt

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 37: Trial Phase pt. 2
Tomy

Matapos kong kumain ay plano ko sanang magtungo na sa aking silid upang panandalian na makapagpahinga. Medyo kulang din kasi ang tulog ko kagabi dahil napakaraming bagay ang bumabagabag sa akin.

Kapag mag-isa ka talaga ay maraming thoughts ang biglang papasok sa utak mo at doon mo naiisip ang sandamakmak na problema na iyong kinakaharap. Mas gugustuhin ko pa nga ang maingay na paligid ke'sa sa masyadong tahimik. Mas nakakamatay ang nakakabinging katahimikan ke'sa sa mga nagmamakaawang sigawan. 

Kapag maingay ay paniguradong ibang tao ang kalaban mo pero kapag katahimikan naman ang bumalot sa paligid ay sarili mo na ang iyong kalaban.

"Tomy pwede ka bang sumama sa akin saglit?" Tanong sa akin ni Raven noong biglaan ko siyang nakasalubong. Mukhang hinahanap niya talaga ako.

"Ba't ako pa? Nand'yan naman si Mario o kaya naman si Crystal," sabi ko sa kanya. Hindi naman sa ayokong samahan si Raven pero panigurado akong hihingin nito ang tulong ko. Hangga't maaari ay iniiwasan ko ng makagawa ng malaking gulo dahil sa tuwing nagsasalita ako sa trial court ay kung sino-sino lamang ang napagbibintangan ko.

"Magpapatulong lang sana ako,"

"Pero Raven ayoko ng masangkot sa kahit anong gul—"

"Tomy h'wag ka ng magbulag-bulagan! Simula nag-umpisa 'tong larong 'to sangkot ka na. Ilang beses mo na rin kaming tinulungan sa trial ngayon ka pa ba panghihinaan ng loob? Gaya nga nang sabi mo Tomy, nasa harap na natin lahat ng ebidensya... nasa sa atin na lamang kung paano ito mapapagdugtong-dugtong lahat." Mahabang litana ni Raven.

Wala akong balak makipagtulungan sa kanya pero nakikita ko sa kanyang mata ang determinasyon. Determinasyon na nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob upang magpatuloy sa larong 'to.

"Oh sige pero saglit lang dapat tayong mag-usap, malapit na rin magsimula ang trial at hindi maganda na makita tayo ng mga kasamahan natin na magkasama," Iba ang takbo ng utak ng iba naming kasamahan, alam kong may iba sa kanila na bibigyan ng masamang kahulugan ang pag-uusap namin ni Raven lalo na't sinasabi nila na kaming dalawa ay matalinong manlalaro sa larong ito.

Dinala niya ako sa bookstore. Walang masyadong nagpupunta rito tuwing umaga dahil na rin tanging mga libro lamang ang makikita rito at ilang school supplies.
"Alam mo ba ang ibig sabihin nito?" Ipinakita sa akin ni Raven ang mga notebook na puno ng letra na ibinigay ko sa kanya.

"Anong malay ko d'yan, sinabi ko naman sa'yo Raven hindi ko kinalkal iyan dahil diretso kong ibinigay sa iyo 'yan noong nakuha ko mula kay Owen," Pagpapaliwanag ko sa kanya. "Ang dapat mas ipagtaka mo ang mga litrato na nakita natin, Bakit sila magkakasama? Planado bang lahat 'to?"

"Pakiramdam ko nga ay matagal na silang magkakakilala dahil sa masasaya nilang ngiti sa litrato," Napaisip si Raven.

"Alam mo Raven, may isa pang malaking tanong na hindi pinagtutuunan ng pansin ng bawat isa sa atin," Kumunot ang kanyang noo at hinintay ang sunod kong sasabihin. "Bakit at paano tayo napunta sa lugar na ito. Imposible naman na pagkagising lang talaga natin ay nandito na tayo at nakakapanigurado akong may malalim na dahilan kung bakit tayo naririto."

Killer GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon