Chapter 35: Night 11

44.2K 1.6K 400
                                    

Chapter 35: Night 11Tomy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 35: Night 11
Tomy

Hindi namin parehas inakala ni Shane na aabot sa ganitong punto, hindi ko alam na mawawalan pala ako ng isang importanteng kaibigan sa larong ito.

Who would thought that from enemy, we will be friends? Masama ang ugali niya, mataray, at masungit pero sa kabila ng lahat... Naging totoong kaibigan sa amin si Stacy.

Dapat nga ay magalit ako sa kanya dahil nalaman kong traitor siya pero mas nangibabaw pa rin ang lungkot ko. "Ingatan mo si Shane para sa akin." Iyan ang mga huling salita na binanggit sa akin ni Stacy. Hanggang sa malagutan siya ng hininga ay kaligtasan ni Shane ang inisip niya.

Napatawad naming lahat si Stacy at hindi ko rin naman gusto na magtanim ng galit sa kanya dahil malaki ang puwang niya sa puso ko. Marami siyang bagay na pinaintindi sa akin, umaasa ako na sa susunod kaming magkita, mas magkakilala pa kaming dalawa. Limitado lang kasi ang buhay ng bawat isa sa parkeng ito. Patatagan ang labanan dito, hindi ako aabot ng top 9 kung hindi ko ginagamit ang utak ko sa lahat ng bagay.

"Kumusta na kaya si Stacy ngayon?" sabi ni Shane sa akin.

"Sa tingin ko ay nakikipagtalo siya sa bantay ngayon sa langit kung papapasukin siya sa langit," Natatawa kong sabi sa kanya. We should divert the loneliness that we feel, hindi naman pwedeng magmukmok na lang kami.

"Siguro kahit mga anghel pinagbabara niya ro'n 'no?" Sabi ni Shane na ikinatawa ko na lamang. "Pero Tomy naniniwala ka pa ba sa Diyos sa pagkakataon ngayon?"

Napatigil ako saglit sa sinabi ni Shane. "Ako kasi, hindi ko na alam kung totoo ang Diyos o kaya naman hindi ko na alam kung mahal tayo ng Diyos. Kung mahal niya tayo, ba't tayo nasa lugar na 'to? Siguro hindi niya tayo gusto bilang anak niya."

Totoo ba ang Diyos? Hindi ko rin alam. Kahit ako hindi ko na alam ang isasagot ko. "H'wag mong isisisi sa Diyos, lahat ng bagay may dahilan,"

"Pero hindi ko maintindihan ang dahilan niya." Malungkot na tugon ni Shane.

"Basta 'wag ka lang mawalan ng kapit sa kanya. Siya lang ngayon ang makakapitan natin sa ganitong pagkakataon." Wika ko kay Shane.

Gusto kong maniwala na may Diyos at gusto kong palakasin ang loob ni Shane. I don't even know if he either exist or not pero siya lang ang taong makakatulong sa amin sa ngayon. Tumagal ang usapan naming dalawa ni Shane hanggang sa kumagat na ang dilim. Nagpaalam kami sa isa't-isa at nagtungo ako sa kwarto ko.

Pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ko ay may taong nasa loob na aking hindi inaasahan. "Raven! Fuck, nakakagulat ka."

"Hindi naka-lock yung pinto mo," Napakamot na lamang ako ng ulo ng wala sa oras. Bakit ko ba laging nakakalimutan na i-lock yung pinto ng kwarto ko? I should be more alert this time around.

Killer GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon