Chapter 40: The Escape

59.9K 2.4K 1.8K
                                    

Chapter 40: The Escape
Raven

Ilang beses kong narinig ang mga pagsabog, mamamatay na ba ako? Dito na ba magtatapos ang buhay ko? Hindi ko alam kung anong magiging kapalaran ng buhay ko, ng mga buhay namin.

Naloko lang ba kami?

Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata, no'ng una ay nahirapan pa itong mag-adjust pero maya-maya pa'y unti-unti na itong lumiwanag. Puro puti ang nakikita ko.

Kinusot ko ang aking mata ng may bigla akong lalaki na nakita na pumasok ng kwarto. Noong nakita niya na may malay ako ay "Doc! Doc! Gising na ang subject number eight!"

Napakaraming wire ang nakadikit sa katawan ko. Hindi ko alam kung ano ang tawag dito, wala akong naiintindihan sa mga nangyayari. Nasa isang ospital ba ako? Paano ako nakalabas sa lugar na iyon?

Hindi ko ginawang pakialaman ang mga nakakabit sa akin dahil baka kapag ginawa ko ay bigla akong mamamatay. Para akong bata sa lugar na ito, wala akong magawa.

Sumagi sa isip ko ang mga kasamahan ko, kumusta na kaya sila? Buhay rin ba sila? Nakaalis din ba sila sa Theme park na iyon?
Muling pumasok ang lalaki kanina, nakasuot siya ng lab gown at naglakad tungo sa direksyon ko. "K-kuya, ako lang ba ang nailabas niyo sa theme park? Nasaan ang iba kong kasamahan?" Ang dami kong gustong itanong sa lalaking ito, pero ni-isa ay wala siyang sinagot.

Maigi niyang tinanggal ang mga nakakakabit sa akin. "Discharge na ba ako doc? Hindi ba ako mamamatay kapag tinanggal mo iyan?"

Hindi maiwasan ng mga luha ko na isa-isang pumatak. Nakalabas ako. Nagawa ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rina ko makapaniwala, pero hindi pa rin nawawala ang takot sa akin.

Inalalayan niya akong makatayo "Dahan-dahan lang," Sabi niya sa akin. "Masuwerte ka bata dahil nakaligtas ka."

Inaapak ko ang paa ko sa lupa. Sa unang pagtayo ko ay muntik pa akong matumba, parang matagal-tagal ko ring hindi nai-apak ang paa ko sa lupa. "Dahan-dahan lang. Kailangan mo nang makaalis dito."

Hawak-hawak ng lalaki ang kamay ko habang naglalakad. Lumabas ako ng kwarto ko at puro puti ang nakikita ko. Maraming tao ang naglalakad sa pasilyo at marami sa kanila ay naka-lab gown. "Buhay ako, nakaalis ako."

"Makinig ka Raven, dadalhin kita sa mga kasamahan mo. Matagal ka na nilang gustong makita... Ang haba ng iyong naging tulog." Wika niya sa akin.

Dinala niya ako sa isang silid. Silid na hindi ko inaasahan ang makikita ko. "RAVEN!" Sigaw ni Crystal at agad na yumakap sa akin. "Gising ka na Raven, gising ka na!" May mga tubig ako na naramdaman sa balikat ko dahil siguro sa mga luha galing kay Crystal.

Nanatili pa rin akong nakatayo at hindi makapaniwala sa nakikita ko. "P-paanong... Buhay kayong lahat?"

Pinagmasdan ko ang kanilang mga mukha, mula kay Evan hanggang sa huling namatay na si Hannah.

"Ganyan din ang naging ekspresyon ko Raven nung nakita sila." Sabi ni Mario ng makalapit sa akin.

"Teka, sigurado kayo? hindi ako patay?" Naiiyak kong sabi. Yung mga taong nakasama ko sa loob ng parke, nandito, kasama ko lahat. Naguguluhan man ako ay wala namang mapaglagyan ang tuwang nararamdaman ko dahil buhay sila.

"Kumusta Raven? Ang tagal nang naging tulog mo." Naglalakad si Owen na lumapit sa akin. Hindi ko maiwasan na manlaki ang aking mata, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakahingi ng tawad mula nung mawala siya sa laro.

"O-Owen!" Napayakap ako sa kanya, ang tagal kong hindi nakita ang taong ito. "Sorry, sorry. Dahil sa akin ay namatay ka."

"Buhay ako, Raven, pero salamat na rin dahil nawala agad ako sa laro. Ang daming oras ang napunta sa akin para pag-aralan ang lugar na ito. Hinintay lang namin ang paggising mo, mamaya ay tatakas na tayo rito." Mahinang bulong niya sa tenga ko.

Killer GameWhere stories live. Discover now