Chapter 34: Judgment Phase 10

41.9K 1.7K 665
                                    

Chapter 34: Judgment PhaseRaven

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 34: Judgment Phase
Raven

May mga nangyayari talaga minsan sa buhay ng tao na hindi kapani-paniwala. Sa tagal naming magkakasama dapat ay sanay na akong maloko ng iba kong kasamahan.
"Ayoko hindi ko iiwan ang kaibigan ko rito!" Pagpupumiglas ni Shane sa amin at patuloy na tumatakbo sa nakataling si Stacy. Tinanggal niya ang tape na nakalagay sa bibig ni Stacy.

"Shane! 'Wag kang lumabag sa mga rules, baka kung ano ang gawin nila sa'yo," Sabi ni Chelsea habang hinahatak si Shane.

"Hoy gaga ka. umalis ka na nga," Bakas ang pagkagaralgal sa tono ng pagsasalita ni Stacy. "Hindi ko kailangan nang awa ng isang boba."

Hindi ko maiwasan na maluha sa nakikita ko ngayon. Iyak ng iyak si Shane na parang nakikita niya na ang magiging kapalaran ng kanyang kaibigan. In fact, lahat kami ay umiiyak. Napamahal na sa akin lahat ng taong nandito, pasakit ng pasakit habang tumatagal.

"Hindi kita iiwan, sasamahan kita! Gagawa ako ng paraan para mailigtas ka" Sabi ni Shane. They treat each other as a sister.

Umiling naman si Stacy kasabay ang kanyang mga luha. "Hindi mo na kailangan gawin 'yon, Handa na rin naman akong mamatay. Tsaka hindi ko na rin kilala ang Stacy na nandito ngayon... Hindi ko na kilala ang sarili ko Shane," Umiiyak na sabi ni Stacy.

"Sa buong pananatili ko rito ay puro panlilinlang ang ginawa ko, buhay nga ako pero pakiramdam ko ay patay na ako. Ang galing ko palang sinungaling, ang galing kong manloko ng kapwa, ang galing kong manakit ng ibang tao, ang galing kong manlaglag ng kaibigan. Hindi na ako 'yon, Shane. " Humahagulgol ng iyak si Stacy.

Pinagmamasdan ko lamang silang dalawa pero parang dinudurog na ang puso ko sa mga nangyayari. Dapat ay galit ako kay Stacy ngayon dahil siya ang dahilan kung bakit marami sa mga kasamahan namin ang namatay. Pero hindi ko magawang magalit kay Stacy. She just did her role.

"Ako kilala kita Stacy. Oo sa trial maaaring manloloko ka. Pero para sa akin isa kang mabuting kaibigan, Stacy," Humahagulgol na iyak ni Shane. "Kahit na sinasabi ng ibang tao na bobo ako, na wala akong tamang bagay na magagawa, pero iba ka Stacy, naniwala ka sa mga bagay na kaya kong gawin at tinanggap mo ang lahat ng pagkukulang ko."

"Hindi ka tanga Shane, kulang ka lang ng pitong buwan no'ng pinanganak pero hindi ka tanga. Para sa akin matalino ka. Ikaw ngayon ang nagiging source ng happiness ng karamihan sa atin. You make us smile without noticing it, that's what makes you smart."

Saglit silang nagkatinginan dalawa habang umiiyak. Walang tigil ang mga luha sa kanilang mga mata pero sa pamamagitan din ng mata ay parang nauunawaan na nila ang isa't-isa.

"Shane kailangan na nating lumabas," Wika ni Hannah.

"Mami-miss kita Stacy" Sabi ni Shane at pinahid ang kanyang luha.

"Mas mami-miss kita. Tomy ikaw na ang bahala sa kaibigan kong hindi nabiyayaan ng utak," tumango naman si Tomy sa kanya. "Salamat."

Mabigat man sa loob naming lahat pero iniwan na namin si Stacy na nag-iisa sa trial court. Pagkaalis namin sa court ay doon na umiyak ng napakalakas ni Shane. "Ayokong mawala si Stacy. Gusto kong ipakita sa kanya na malakas ako pero hindi ko kaya."

Killer GameWhere stories live. Discover now