Chapter 16: Judgment phase 4

40.2K 1.8K 443
                                    

Chapter 16: Judgment PhaseRaven

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 16: Judgment Phase
Raven

Nandito ako ngayon sa Ferris Wheel habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Tahimik ko lang pinagmamasdan ang magagandang tanawin sa labas ng mga nagtataasang pader ng parkeng ito.

Pinag-iisipan ko sa mga oras na ito kung tama nga ba ang desisyon namin na ilagay sa Judgment si Terrence,‘Yes’ ang ibinoto ko habang nasa trial kami kanina, hindi ko lang alam sa iba.

Akala ko ay walang kwentang mga bagay ang mga pinapagawa sa’kin ni Owen, pero hindi pala. Kung hindi namin mahahanapan ng isang malaking butas ang killer, ba't hindi kami maghanap ng maliit na butas upang palakihin ito?

Matapos ang isang ikot ng Ferris Wheel ay bumaba na rin ako agad. Hindi ko alam kung nasaan ngayon ang iba kong kasamahan pero panigurado karamihan sa amin ay kinakabahan sa magiging kapalaran ni Terrence.

Naglalakad ako at may malalim na iniisip nung bigla na lamang may kamao na tumama sa aking pisngi. “Gago ka, kapag may nangyaring masama sa kaibigan ko ay mananagot ka sa’kin, Raven.” Sabi sa akin ni June.

Dito lang nag-sink in sa akin na tama ang mga sinabi ni Phil sa akin. Ang mga magiging kaibigan mo sa lugar na ito ang siyang magsisilbing alliance mo.
"'Wag mo sa akin isisi lahat June."

"Kasalanan mo kung bakit nasisi si Terrence!" Malakas niyang sigaw sa akin.

“Niligtas ko lang din ang sarili ko. This is a game, June. Kung hindi ko iyon ginawa ay ako ang mamamatay.” Sabi ko sa kanya bago umalis.

Naisip ko lang bigla, hanggang saan nga ba kami dadalhin ng pagkakaibigan? Sa sitwasyon namin ngayon, baka ito pa ang unti-unting pumatay sa amin.

Naglakad ako patungo sa hotel,  Bubuksan ko na sana ang pinto ng aking silid ng muli akong mapatingin sa katapat kong kwarto... kay Terrence.

Tutal ay wala rin naman akong gagawin, higit sa lahat ay wala rin ngayon si Terrence rito dahil nakatali siya sa trial.

Lumingon-lingon muna ako sa paligid bago ko ihakbang ang aking mga paa sa tapat ng kanyang kwarto. No'ng masigurado kong walang ibang tao rito... Pinihit ko ang doorknob at sa kabutihang palad, hindi ito naka-lock.

Pumasok ako sa loob at hindi ko inaasahan na may nauna palang tao sa akin dito. "Owen nandito ka pala?"

Bahagya siyang lumimgon sa akin habang dahan-dahan kong isinasara ang pinto. Ibinalik niya ulit ang tingin niya sa mga gamit ni Terrence. "Look at his Closet," Sabi sa akin ni Owen.

Bahagya akong naguluhan pero binuksan ko rin naman ang damitan ni Terrence. "Wala namang kakaiba rito Owen.”

Naglakad papalapit sa akin si Owen habang pailing-iling. "Kasi masyado kang naniniwala sa mga nakikita ng mga mata mo Raven, Akala mo isang simpleng damitan lang 'yan pero sa kabila ng lahat..." Ibinagsak ni Owen ang lahat ng damit sa sahig at may pinto na sumilay sa loob nito. Maliit na pinto to be exact, para siyang vault. "May sikretong tinatago pala."

Killer GameWhere stories live. Discover now