Chapter 3: Game Rules

72K 2.8K 986
                                    

Chapter 3: Game rulesRaven

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 3: Game rules
Raven

Binuksan ko ang aking mga mata. Parang ang haba ng naging iglip ko. Naghikab ako at saglit na nagpungas ng mata. Parang biglang lumambot ang kama ko? Ang alam ko ay papag lang ito.

Dahil sa thoughts na 'yon ay napaayos ako sa pagkakaupo at ang kanina kong matang inaantok pa ay tuluyang nagising. Inilibot ko ang aking mata."Fuck nasaan ako!"

Fuck! This isn't our house. Nasa ibang lugar ako! Ang mas nakakatakot pa ay hindi ko alam kung nasaan ako!

Aaminin ko, nagpa-panic ako this time. Sino namang hindi? Dahil sa pagkakatanda ko ay nasa bahay ako at natulog lang ako sandali and when I opened my eyes again, tang ina nasa ibang lugar na ko. It gives my body chills dahil pakiramdam ko ay kinuha ako ng ibang tao.

Isang sulat ang nakapatong sa ibabaw ng drawer kaya naman agad ko 'tong dinampot.

Sabi ko naman sa’yo, Raven, the game will start today. Are you ready to play the game? Please proceed to the entrance of the park.

P.S. Remember that you are not allowed to tell anyone you're game identity.

Pagkabasa ng sulat ay napamura ako ng wala sa oras. "Fuck!" Naisampal ko ang aking kamay sa aking mukha. Hindi ko inakala na it was real, I thought it was just a prank.

Nanaginip lang ba ako? “Tama, Raven, panaginip lang ang lahat ng ito.” Malakas kong sinuntok ang pader, “Oh shit!” Hinimas ko ang kamao ko dahil sa sakit, tangina, totoo ‘to!?

Bago ako lumabas ng kwarto ay inalala ko ang game role ko. Police nga pala ang role ko.

Puno ng pangamba kong pinihit ang door knob at ang paglangitngit ng pinto ng kwarto ang tanging maririnig.

Gustuhin ko man humingi ng tulong o tumawag sa mga mahal ko sa buhay... Wala nga pala akong cellphone, bad timing ang pagkakabenta ko rito. Hanggang ngayon ay clueless pa rin ako sa kung paano ako napunta sa lugar na ito.

Nasa isang hotel room pala 'ko. Pero imbes na mga Room number ang nakalagay sa pinto—Mga pangalan.

Pinagmamasdan ko ang mga pangalan habang naglalakad. “Jessie Lopez.”
Until now ay hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang mga nangyayari.

Tanging mabibigat na paghinga ko lamang ang naririnig sa pasilyong aking dinaraanan. "May tao ba rito!?" Malakas kong sigaw ngunit um-echo lamang ito.

Bababa na sana ako sa hagdanan ng may isang pangalan ang nakapukaw ng aking atensyon. Crystal Park.

"Nandito si Crystal? Anong ginagawa niya rito?!" Hindi ko makapaniwalang tanong at ang mabagal kong paglalakad ay naging takbo na patungo sa Entrance ng park.

Killer GameWhere stories live. Discover now