Chapter 22: Judgment Phase 6

37.8K 1.6K 267
                                    

Chapter 22: Judgment Phase 6Owen

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 22: Judgment Phase 6
Owen

Dumadating ba kayo sa punto na nagtataka kayo sa ipinapakitang kabutihan ng mga tao?

Naaasar din ako sa sarili ko dahil sa bilis kong magtiwala, I hate being fooled by anyone, ayoko yung pakiramdam na pinagtatawanan ako dahil tanga ako. Ayoko rin na may nagmamalasakit sa akin dahil pakiramdam ko ay ka-plastikan lang iyon.

Naaalala ko kung paano ako nagawang iwanan ng aking ina, she just abandoned me without giving any reason. At the young age, natuto akong mamuhay sa lansangan. Nanay ko nga, iniwanan ako, paano pa kaya ang ibang tao? People just come and go, you will just crossed paths but no one will stay.

Doon na ako nadala. Hinintay ko na balikan ako ng aking ina pero hindi nangyari, naloko lang ako. Isinara ko na ang puso ko na magtiwala muli sa iba. Ayokong iwanan ulit ako ng mga taong napapalapit sa akin. Akala ko nga may sumpa ako eh, lahat ng taong napapalapit sa akin... umaalis.

When Caleb passed away. Hindi ko inaasahan na masasaktan muli ako at nakakagawa na naman ako ng mga tangang desisyon.

"Owen ayos ka lang ba?" sabi ni Hannah. Kailan ba kami naging close ng babaeng 'to? "Kanina pa kasi pumapatak 'yang mga luha mo."

Napapahid agad ako ng aking mata, hindi ko napansin na tumutulo na pala ang aking mg luha no'ng naalala ko na naman ang mga masasakit na pangyayari sa akin nung bata ako.

"Leave me alone," Sabi ko. Nakaupo lang kasi ako sa isa sa mga park bench.

“Alam kong kailangan mo ng kasama ngayon,” umupo siya sa tabi ko. “Your mouth say what your mind thinks but your eyes says what your heart beats.”

Hinawakan ni Hannah ang kamay ko, ramdam ko ang mainit niyang palad na nakapatong sa’king kamay. “Nabasa ko sa isang libro, nakakagaan daw ng loob ang paghawak sa kamay ng isang tao. Hindi ko alam kung totoo pero sana makatulong to,”

Ngumiti sa akin si Hannah at napailing na lamang ako, ang daming alam ng babaeng ito... But I find it comfortable.

Biglang tumunog ang bell. Hudyat na para bumalik kami sa trial court.

"Mauna na ako Owen." Kumaway si Hannah palayo sa akin pero hindi ko na lang siya pinansin.

I feel better right now... Just a little bit push, malalaman ko na kung sino ang mafia.

***
Raven

Nakaupo lamang ako habang pinagmamasdan ang mga kasamahan kong isa-isang nagdadatingan. Unang dumating sina Stacy at Shane habang nakabuntot sa kanila sina Tomy, Cedric, at Coby. Sunod-sunod na silang dumating.

"Okay players we will now count the number of votes!”

"Cedric voted No"
"Stacy voted No"
"Hannah voted No"
"Chelsea voted No"
"Owen voted No"
"Tomy voted No"
"Nick voted Yes"
"Jessie voted No"
"Loren voted No"
"Coby voted No"
"June voted Yes"
"Crystal voted No"
"Phil voted No"
"Mario voted No"
"Caleb voted No"
"Shane voted No"

Two voted yes while 14 voted no! Congratulation, Raven! You can continue your days here at the park!”

Hindi na ako nagtaka kung bakit yes ang boto ni June at Nick sa akin. Malaki ang galit nila sa akin.

Kung mayroon man dalawang deserving mamatay sa larong ito, silang dalawa iyon.
Nabaling ang atensyon ko kay Owen, he's back with his plastic smile... Siguro ay unti-unti ng bumabalik ang Owen na kilala ko.
I'm gonna make sure, ako ang makakahula ng killer this time.

~

Male Players:
1. Raven Alva (Police)
2. Coby Francisco (???)
3. Mario Reese (???)
4. Tomy Lawrence (Innocent)
5. Phil Hernandez (Innocent)
6. Nick Warner (???)
7. Caleb Jacobs (Innocent) [X]
8. Cedric Weaver (???)
9. June Blake (???)
10. Owen Garcia (Detective)
11. Ian Curtis (Innocent) [X]
12. Terrence Estrada (Assassin) [X]
13. Bryan Park(Innocent) [X]
14. Evan Wilkins(Innocent) [X]

FEMALE PLAYERS
1. Crystal Park (???)
2. Shane Rodriguez (???)
3. Jenny Ortiz (Innocent) [X]
4. Hannah Gutierrez (???)
5. Chelsea Summers (???)
6. April Morris (Innocent) [X]
7. Loren Martinez (???)
8. Stacy Wilkins (???)
9. Angel Dela Pena (Nurse) [X]
10. Kim Gomez (Innocent) [X]
11. Jessie Lopez (???)
12. Erica Hunter (Innocent) [X]

Survivors left: 16

Killer GameWhere stories live. Discover now