Chapter 39: Final Night

47.7K 1.7K 630
                                    

Chapter 39: Final NightRaven

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Chapter 39: Final Night
Raven

Pagkatapos ng mga kaganapan kanina sa Trial court, hindi ko na alam kung paano pa muli ako magsisimula. Parang hinihigop ang lakas at pag-asa ko habang tumatagal kami sa lugar na ito.

4:45 PM

Ilang oras na lang bago mag alas-nuwebe. Ilang oras na kaming naghahanap, pero mas mahirap ngayon dahil wala si Tomy at Loren dahil binabantayan nila ang kundisyon ni Hannah. Ayon kay Shane ay hindi raw maganda ang kundisyon ni Hannah dahil sa dami ng dugo na nawala sa katawan nito.

Dalawang bomba, dalawang bomba pa lamang ang natatagpuan namin matapos ang trial court. Hindi ko alam kung ilan ang eksaktong bilang ng mga bomba na nasa parkeng ito. Dalawampung bomba? Trenta? Sampu? Walang may alam.

"Raven kumain ka na ba? Kumain ka muna," Sabi sa akin ni Mario. "'Wag kang mag-alala kakakain ko lang, intindihin mo rin yung kalagayan mo Raven." 

"Hindi pwede 'yon. Kung hindi tayo kikilos ay baka mamatay tayo sa lugar na ito. Ayokong masayang ang pinaghirapan natin para makaabot sa puntong ito. Ayokong masayang ang pagkamatay ng mga kaibigan natin." Wika ko habang hindi ko maiwasang maluha dahil sa inis. Mahina ba 'ko sa lagay na 'to? Siguro nga.

"Raven. Kumain ka muna, magtiwala ka sa'kin," Sabi ni Mario. Parehas kami ngayon na basang-basa sa ulan. Lahat kami. Fuck this rain! Sobrang bad timing.

"Hindi Mario kaya ko p—" 

Naputol ang aking sasabihin ng biglang tumama ang kanang kamao niya sa aking pisngi. "Sapat na ba 'yan Raven para magising ka?! Masyado ka ng pathetic! Hindi tayo makakakalabas sa lugar na ito kung nagpa-panic ka!" Sigaw niya sa akin habang inaalog ang magkabilang balikat ko.

"Makakaalis tayo rito okay? Just relax.  Marami pa tayong oras, mas magandang kumain ka muna ke'sa naman maging pabigat ka sa amin." Sabi ni Mario at naglakad palayo.

Napahawak ako sa pisngi ko, hindi ko alam na magagawa ni Mario iyon pero I guess nakatulong iyon dahil kahit papaano ay parang nabalik ako sa katinuan.

Naglakad ako patungo sa isang maliit na tindahan dito sa Park at kumain ako ng instant noodle. Wala na akong oras para magluto at mag-demand sa pagkain.

Napatingin ako sa orasan at malapit ng mag 5:15pm. May usapan kasi kami na magkikita kaming lahat sa clinic para pag-usapan ang mga nakita naming bomba upang masabi kay Tomy kung saan ito idi-diffuse.

Mabilis kong tinapos ang aking pagkain at kumuha na rin ako ng isang isang coca-cola sa fridge upang inumin sa paglalakad. 

Balak ko sanang magdala ng payong kaso basa na rin ako kaya naman useless lang din. Sinuong ko ang malakas na buhos ng ulan. Dinama ko ang malalaking butil ng ulan habang naglalakad. Pansin ko ang paglubog ng araw, kahit na malakas ang ulan ay makikita pa rin ang unti-unting paglubog nito.

Killer GameTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang