Chapter 9: Trial Phase 2

46.8K 1.8K 711
                                    

Chapter 9: Trial Phase 2Tomy

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 9: Trial Phase 2
Tomy

Noong ibinalitang wala na si April ay bigla kaming nanlumong lahat. Kahit na nasasanay na kami sa kalakaran dito sa park,hindi pa rin maiiwasan na makaramdam ng lungkot.

Sa ngayon ay na-distinguish ko na ang identity ng assasin. Isa itong lalaki, para sa’kin. Walang matinong killer na huhubaran muna ang biktima bago ito patayin.

Masyadong brutal ang ginawang pagpatay kay April at Evan. Masyadong sineseryoso ng mga killers ang laro. Hindi ko rin sila masisisi dahil ang pagpatay ang bubuhay sa kanila.

"Pagbibintangan mo pa ba 'ko?" Tanong ko kay Stacy ngunit inirapan niya lamang ako.

Umirap lang sa akin si Stacy, nag-benefit kaming dalawa kagabi dahil napatunayan niya na hindi ako ang killer at napatunayan ko rin na hindi siya ang killer.

Pagkapasok ko sa restaurant ay agad kong tinungo ang kusina. Mabuti na lamang ay nasusuportahan ng park na 'to ang mga daily needs naming, Pagkain, tubig, damit, at matutulugan. Kung tutuusin nga ay mas komportable pa rito ke'sa sa normal naming mga buhay. Kaso nga lang, ang lugar na ito ay isang impyerno at hindi mo alam kung kailan ka papatayin ng mga demonyo.

Pagkatingin ko sa kusina ay may tao na agad akong nakita rito. Si Terrence, "Oh Terrence good morning sa'yo." Pagbati ko sa kanya.

"Oh ikaw pala Tomy," Sabi niya at muling ibinalik ang atensyon sa kusina at parang may bagay siyang hinahanap.

"Anong hinahanap mo?"

“Hindi ko kasi makita yung mga kitchen knife rito, kahapon lang ginamit ko pa tapos ngayon wala na"  Tumulong na ako sa paghahanap ngunit bigo nga kaming makita ito.

"Hayaan mo na lang 'yon mukhang hindi na na'tin makikita," Sabi ko sa kanya bilang pagsuko.  "Pumunta na lang tayo mamaya sa mga shop dito. Panigurado namang may mga kutsilyo roon." Suhestiyon ko.

Nagtimpla lang ako ng chocolate drink sa umaga at kumuha ako ng dalawang pirasong sandwich.

Ilang minuto lang ay nagsidatingan na rin ang iba naming kasamahan dahil na rin magsisimula na ang trial phase. Ngayon ay isa na ito sa kinatatakutan kong oras dahil batid kong malaki ang tiyansa na ako ang iboto nila bilang isa sa mga killer dahil na rin sa mga pinagsasabi ni Stacy no'ng nakaraan.

"Nag-almusal ka na?" Pagtatanong sa akin ni Coby na kakapasok pa lamang ng restaurant. Matipid naman akong tumango sa kanya.

"Sana naman sa susunod na trial ay mahanap na natin kung sino ang killer, gusto ko nang umalis sa lugar na ito," Narinig kong sabi ni Jenny sa kabilang silya habang kausap nito ang mga kasamahan na sina Terrence, Jenny, Kim, at Nick.

"Mahuhulaan na'tin 'yan! Tiwala lang." Nakangiting sabi ni Terrence sa kanya.

Gusto kong sabihin na hangga't hindi kami nagkakaroon ng pagkakaisa, imposible ang bagay na gusto nila. Hindi makakalipad ang isang ibon kung isang pakpak lamang nito ang gagamitin. Hangga't may mga taong mapanlinlang sa aming grupo, mahihirapan kaming malaman ang killer.

Killer GameWhere stories live. Discover now