Chapter 5: Night 1

60.3K 2.1K 809
                                    

Chapter 5: Night 1Third person

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 5: Night 1
Third person

Malapit ng mag-alas otso ng gabi kaya naman napilitan na ang lahat na lumabas sa kani-kanilang mga kwarto. "Ang misyon lang naman na'tin ngayon ay makasurvive ngayong gabi right?" Sabi ni Owen at tumingin siya kay Raven na para bang ipinapaalam niya sa larong iyon, Sila ang magkakampi. Lahat ay maaaring kalaban nila ngunit silang dalawa lang ang magtutulungan hanggang huli.

"Oo kailangan lang naman ay maging maingat tayo sa mga gagawin nating kilos. Siyempre pagbutihan ang pagtatago, tatlong oras lang naman gagawin ang laro at diskarte na natin kung paano tayo mabubuhay," Sabi naman ni Bryan.

Nakaupo silang lahat sa may lobby ng hotel habang hinihintay ang hudyat ng killer. Tumunog ng malakas ang bell na umalingawngaw sa buong park kaya nabaling ang kanilang mga mata sa speaker.

"The Game will start in 5 minutes, The doctor and the nurse decided to save June for this night... Once again the doctor and the nurse decided to save June this night!"

Nabaling ang lahat ng atensyon namin kay June at binigyan siya ng malisyosong tingin. "Wala akong alam d'yan! Kahit ako man ay nagulat na ligtas ako ngayong gabi." Pero sa loob-loob ni June ay nakaramdam siya ng ginhawa dahil alam niyang sa gabing iyon... Walang mangyayaring masama sa kanya.

Tumayo na isa-isa ang bawat players. "Paano kaya nakapag-decide ang doctor at nurse kung lahat naman tayo nandito?" Nagtatakang tanong ni Stacy.

"Maaaring kanina pa nila sinabi kung sino ang ililigtas nila, Mas pinipilit lang itago ng doctor at nurse ang kanilang mga identity dahil sila ay isa sa may kakayahan na magligtas ng mga innocents, malaki ang papel na ginagampanan nila kaya't hanggang maaari ay inilalayo nila ang kanilang sarili sa radar ng killer." Pagpapaliwanag sa kanya ni Tomy
Sa oras na iyon ay naglaro sa utak ni Stacy na baka maaaring si Tomy ay isa sa mga doctors dahil sa galing ng paliwanag nitong ibinigay. 

"Ahh! Siguro nga." Mahina niya na lang sabi.

"GAME START!"

Naghiwa-hiwalay na silang lahat dahil sa tatlong oras ay dapat nilang mabuhay ng mag-isa. Iyon kasi ang nakalagay sa rules, bawal silang magkumpulan ng sama-sama.

Bago lagpasan ni Owen si Raven ay may mahina itong ibinulong "Bookstore." Batid na ni Raven ang sinabi sa kanya ni Owen. Ibig sabihin lamang nito na magkita sila sa bookstore.

Noong lumabas si Raven sa pintuan ng hotel, alam niyang iyon na ang hakbang upang ipaglaban ang kanyang buhay. Mas passionate siyang mabuhay sa laro dahil sa kanilang lahat alam niyang siya ang nangangailangan ng pera. He will admit na isa siya sa mga nasilaw dito... Pero ang role niya naman ay pigilan ang mga killers. Kumpara sa killers mas malaki ang chance na manalo sila dahil marami sila pero ang disadvantage nila ay kaya silang ubusin ng killers ngunit hindi niya alam ang identity nito.

Killer GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon